^

PSN Palaro

Aksiyon ng WTF kay Singson hinihintay ng PTA

-
Habang wala pang desis-yon ang World Taekwondo Federation (WTF) at South-east Asian Games Federation (SEAGF) ay wala namang gagawing aksiyon ang Philip-pine Taekwondo Association (PTA) kay taekwondo jin Esther Marie Singson.

Ayon kay PTA president Robert Aventajado, hihintayin muna nila ang pahayag ng WTF at ng SEAGF kaugnay sa pagiging positibo ni Singson sa diuretics, isa sa mga banned substance ng World Anti-Doping Agency (WADA).

"As far as the taekwondo association is concerned, wala kaming ibinibigay na sanction kay Esther as of the moment," wika kahapon ni Aventajado. "Hinihintay pa namin ‘yung advice ng World Taekwondo Federation."

Isinumite na ng PTA ang kanilang posisyon sa WTF at sa SEAGF hinggil sa problema ng 18-anyos na si Singson.

"Dalawang issues ‘yan actually. Iyong sanction sa taekwondo federation at tsaka ‘yung gold medal na puwe-deng bawiin ng Southeast Asian Games Federation," ani Aventajado.

Dalawang linggo bago ang 23rd Southeast Asian Games, uminom si Singson ng isang slimming tea upang makapasa sa weight limit na 55-kilogram matapos bumigat ng 57-kg.

Ang diuretics, hindi iki-nukunsiderang performance-enhancing drug, ay kahalo sa slimming tea na ininom ni Singson.

Umaasa si Aventajado na hindi mapaparusahan ng WTF si Singson, ngunit posible namang bawiin ng SEAGF ang gold medal ng naturang taekwondo jin. (R.Cadayona)

ASIAN GAMES FEDERATION

AVENTAJADO

DALAWANG

ESTHER MARIE SINGSON

ROBERT AVENTAJADO

SINGSON

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SOUTHEAST ASIAN GAMES FEDERATION

TAEKWONDO

WORLD TAEKWONDO FEDERATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with