Magnolia humirit pa
February 10, 2006 | 12:00am
Papasok sa Game-Three ng titular show-down kontra sa Rain or Shine, ang battlecry ng Magnolia Ice Cream ay huwag ma-sweep."
Tinupad ito ng Mag-nolia Wizards nang magi-ting silang nakipaglaban kontra sa Elasto Painters upang ipagkait ang sweep sa pamamagitan ng 80-70 panalo at pahabain ang 2006 PBL Heroes Cup na ginanap kahapon sa San Andres Gym.
"Our battlecry is to refuse to be swept. The desire to win is there," bungad ni coach Koy Banal ng Magnolia na nakalapit sa best-of-five championship series, 1-2 panalo-talo, matapos makabawi sa dalawang sunod na kabiguan.
Sa kaagahan pa la-mang ng laban, kontro-lado na ng Magnolia ang laro at umabante ng hanggang 14-puntos sa ikaapat na quarter upang maudlot ang inihandang selebrasyon ng Elasto Painters na maaari pa ring maisubi ang titulo sa pamamagitan ng kanilang panalo sa Game-Four na gaganapin sa Linggo sa San Andres Gym din.
Sa pagsisikap ng Welcoat na makahabol sa Magnolia, lalo pa silang nadisgrasya nang mag-kamit ng unsportsman-like foul ang Most Valuable Player na si Jojo Tangkay.
Anim na puntos na lamang ang hinahabol ng Rain or Shine tinawagan ng unsportsmanlike foul si Tangkay nang hampasin nito si Arwind Santos na hidi sinasadyang tamaan siya sa isang pagbagsak nito mula sa kanyang drive.
Binigyan si Santos ng apat na freethrows para sa unsportsmanlike foul at sa shooting foul na ipina-sok niyang lahat at may-roon pang ball possession ang Magnolia kung saan nakapag-produce ng dalawa pang freethrow si Kelly Williams mula sa foul ni Ronjay Enrile na siyang naglayo sa Wizards sa 69-55.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am