^

PSN Palaro

Primero, Ramos bumangon

-
MALAYSIA – Bumangon sina Albert Primero at Merculio Ramos Jr., ng PAGCOR-Casino Filipino pro cycling squad mula sa kanilang masamang performance sa Stage 3 ng humarurot kasama ng top 10 finishers sa Lap 4 ng Asian category ng TM Le Tour de Langkawi mula sa Tapah patungong Kuala Selangor dito noong Lunes.

Pinangunahan ni Kazuhiro Mori ang 142-km stage sa tiyempong 3:18.52 at pangunahan ang dominasyon ng Japanese sa event na ito para sa mga Asian riders kung saan sina Primero at Ramis ay dumating na kasama ang malaking peloton at may isang minuto at 54 segundong agwat sa lap winner para tumapos ng ikapito at ika-10th, puwesto, ayon sa pagkakasunod.

Gayunpaman, nahirapan sila na makalapit sa Asian overall individual standings kung sana si Ramos ay umiskor ng panalo dito matapos na manguna sa first stage ng 2004 edisyon ng annual event na ito ay nanatiling nasa 14th place na halos may 21 minutong layo sa likod ng four-day leader na si Takashi Miyazawa ng Japan na mayroong itinalang 13:14.59 segundo.

Si Primero na pumuwesto naman ng third place sa Stage 2 ay nalaglag naman sa 24th place sa kabila ng pagtatapos nito ng 7th place, habang ang mga teammates na sina Victor Espiritu na tumapos ng 16th place ay umusad sa 15th posisyon.

Nananatiling nasa 21st overall standing si Sherwin Carrera bagamat tumapos ito ng 12th place, gayundin si Bernard Luzon na hindi nagalaw sa 25th place matapos na pumuwesto ng 18th place sa fourth lap ng 10-stage event na ito na humakot ng atensiyon ng mga mahuhusay na riders sa mundo.

Bagamat tumapos ang PAGCOR team ng ikaapat sa team stage, nananatili sila sa kulelat na puwesto sa six field sa overall team standing may 18 minutong agwat mula sa 5th place na Wismilak ng Indonesia. Patuloy naman ang Japan sa dominasyon sa kanilang nalikom na 40:07.54 oras at 14-minutong kalamangan laban sa Giant-Asia ng Taiwan.

ALBERT PRIMERO

BERNARD LUZON

CASINO FILIPINO

KAZUHIRO MORI

KUALA SELANGOR

LE TOUR

MERCULIO RAMOS JR.

PLACE

SHERWIN CARRERA

SI PRIMERO

TAKASHI MIYAZAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with