Gorres, Amonsot sasabak sa mga Mexicano
February 4, 2006 | 12:00am
Inaasahang dudumugin ngayon ang Mardigras Ballroom ng Orleans Hotel and Casino sa Las Vegas para tunghayan ang pakikipag-upakan nina OPBF No. 1 at World Boxing Organization No. 4 super flyweight Z "The Dream" Gorres at WBO Asia-Pacific junior lightweight champion Czar Amonsot sa kani-kanilang mga karibal na Mexicano.
Sinasabing ang mga Filipino sa Las Vegas at sa malayong Los Angeles ay nagsimula nang magtungo sa venue upang saksihan ang isa na namang Philippine-Mexican war na pinainit ng panalo ni ring idol Manny "PacMan" Pacquiao kay Mexican legend Erik "El Terrible" Morales.
Ang nasabing tunggalian ay lalo pang pinag-ningas nang umiskor si OPBF minimum weight champion at World Boxing Council No. 1 Rodel Mayol ng isang fourth-round knockout kay Lorenzo Trejo sa Cancun, Mexico noong nakaraang linggo para sa isang world title eliminator.
Ang mga Mexicano, palagiang tinatalo ng mga Filipino sa mga nakaraang laban, ay magsisikap na makaganti at umaasang magagawa ito nina Alfredo Trejo at Christian Favela.
Sa official weigh in, tumimbang si Gorres ng 116 pounds, habang 116.5 naman si Trejo.
Naglista naman si Amonsot ng bigat na 133.5 pounds at 135 naman si Favela.
Kailangan pang magbawas ng timbang si Favela upang makapasok sa 134-pound weight limit.
Isasaere ang nasabing laban bukas ng ala-1:00 ng hapon sa RPN Channel 9.(RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 15, 2024 - 12:00am