^

PSN Palaro

PSC-DOH nagkasundo

-
Naplantsa na rin ang ‘gusot’ sa pagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Department of Health (DOH).

Ito ang naging resulta ng pakikipagpulong ni PSC Commissioner Ambrosio "Jun-jun" De Luna kay DOH Secretary Francisco Duque sa tanggapan ng huli sa San Lazaro, Manila kahapon.

Ayon kay De Luna, inamin ni Duque ang pagkakamali sa ilang detalye ng draft ng ipinalabas na Executive Order 441.

"Ang talagang naging isyu doon ay ‘yung paraan ng pagkaka-draft. Kasi parang lumalabas na may control ang DOH sa PSC eh," wika ni De Luna. "So very clear naman ‘yung naging paliwanagan namin ni Secretary Duque."

Sa draft ng EO 441, nakasaad ang pagkakaroon ng kapangyarihan ng DOH sa mga programa ng PSC pati na sa kalusugan ng mga national athletes.

"Tinawagan ko nga si Secretary Duque and he said that we should not worry about the policies and provisions in the EO kasi naliwanagan na siya," sabi ni PSC chairman William "Butch" Ramirez. "Inalis na namin ‘yung draft at mag-uusap uli kami."

Upang maging maayos ang pagsasama ng PSC at ng DOH, magtatayo ang dalawa ng tig-isang working committee upang maplantsa ang mga detalye sa EO 441.

Ang DOH ay may kontrol sa Philippine Charity Sweepstakes Office at PhilHealth mula na rin sa bagong direktiba ng Office of the President. (r cadayona)

COMMISSIONER AMBROSIO

DE LUNA

DEPARTMENT OF HEALTH

EXECUTIVE ORDER

OFFICE OF THE PRESIDENT

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SAN LAZARO

SECRETARY DUQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with