^

PSN Palaro

Pazon pinakamabilis sa 3rd leg ng Red Horse-PCSO Drag Racing

-
ROSARIO, BATANGAS – Dinomina ng Blanche Racing ang araw nang pangunahan nina Walter Pazon at Leo Joel Cordero ang kani-kanilang divisions sa third leg ng 2005 Red Horse-PCSO National Drag Racing Championship Series sa BRC Drag Strip dito.

Gamit ng 27-gulang na si Pazon ang kanyang Honda Hatchback nang kanyang pangunahan ang Quick 8 division, sa kanyang pinakamabilis na oras na 12.289 segundo sa event na ito na ginanap sa pakikipagtulungan ng Automobile Association of the Philippines (AAP) at sponsored ng Red Horse, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Petron, Sparco at suportado ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, Denso Spark Plugs, Casino Filipino, GV 99.9 FM at DaBest98.5 FM.

Ginawa ng kanyang teammate na si Sheldon Chua ang 1-2 finish para sa Blanche Racing nang pumasok ito sa finish line katabi si Pazon sa kanilang finals faceoff ngunit kinapos lamang ito ng .6 of a second para sa second place sa kanyang oras na 12.890

 Pinangunahan din ni Cordero, na gumagamit din ng Honda, ang Pro class division sa oras na 13.279 para talunin ang team-mate na si Sheldon Chua.

Nanalo rin ang Pit 21 drivers na sina Danes Sarmiento sa Sportsman Class sa kanyang oras na 15.178 segundo at Romeo Manuel Jr. sa Hotstreet Division sa kanyang naitalang 16.718 seconds.

Pinangunahan naman ni Bienvenido Ocampo ng Orthodox Racing ang Thunder class sa kanyang naitalang oras na 14.689 segundo.

AUTOMOBILE ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BIENVENIDO OCAMPO

BLANCHE RACING

CASINO FILIPINO

DANES SARMIENTO

DENSO SPARK PLUGS

DRAG RACING CHAMPIONSHIP SERIES

KANYANG

RED HORSE

SHELDON CHUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with