Guarantor muna bago pera-PSC
January 31, 2006 | 12:00am
Isang guarantee warranting payment ang isa sa mga panukalang lumitaw hinggil sa pag-apela ng Philippine Sports Commission (PSC) sa mga unliquidated cash advances ng mga National Sports Associations (NSAs).
Ang nasabing paggarantiya ay pipirmahan ng president at secretary-general ng isang sports association bago makakuha ng financial assistance mula sa sports commission.
"We will open lines for consultation within this week," sabi ni PSC chairman William "Butch" Ramirez matapos ang isinagawa nilang consultative meeting sa hanay ng mga NSAs kahapon sa Dragon Gate Restaurant. "This should be in agreement with the NSAs."
Lumobo na sa P92 milyon ang cash advances ng mga NSAs simula pa noong 2002 kung saan ang ilan ay nagpalit na ng mga opisyales.
Bago pa man ang nakaraang 23rd Southeast Asian Games ay nagbigay na ang PSC ng deadline sa mga NSAs ng hanggang Disyembre 31, 2005 para sa pagsusumite nila ng mga liquidated accounts.
Ayon kay Ramirez, ang mga NSAs na mabibigong makapagsumite ng liquidated accounts ay hindi nila bibigyan ng financial assistance.
"As per instruction from the Commission on Audit and an Order from the Senate, no financial assistance shall be extended to any NSA with unliquidated accounts," wika ng PSC chief.
Samantala, lilimitahan na ng komisyon ang paglahok ng mga NSA sa ibang bansa bilang pagtitipid ngayong 2006. (RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended