KAKAIBANG KARANASAN NINA KOBE AT PACMAN
January 29, 2006 | 12:00am
Bumabagal ang takbo ng mundo. Tumatahimik ang paligid, hanggang sa halos wala kang marinig. Wala kang nakikita, kundi ang minimithi mong tagumpay. At parang napakadaling gawin, bagamat pinaghirapan mo ng husto ang paghahanda para dito.
Ito ang karanasan ng pagiging "in the zone" ng maraming atleta, tila nasa ibang mundot di puwedeng magkamali. Ganito ang narana-san ni Manny Pacquiao laban kay Erik Morales nang talunin niya ito, at maging ni Kobe Bryant nang magtala siya ng 81 puntos nitong nakaraang linggo.
"The zone really refers to when youre performing automatically," ayon kay Aynsley Smith, Ph.D., isang sports psychology consultant sa Mayo Clinic Sports Medicine Center, Rochester, Minn. "Its when youre absolutely free of worries, free of inhibitions and so confident and relaxed that your best performance just kind of comes out automatically."
Sa ibang mga siyentipiko, ang tawag dito ay Flow State.
"Flow State is an optimal psychological experience. Its when youre functioning on auto-pilot, when everything clicks into place and goes right," paliwanag ni Dr. Costas Karageorghis, lecturer sa sports psychology sa Brunel University sa UK. "Its a deeply pleasurable experience and its something thats not very often experienced by people; rather its something that often represents peoples peak experiences in a particular area."
Sa kanyang aklat na "Into the Kill Zone", inilathala ni University of Missouri criminologist David Klinger ang di-maipaliwanag na kuwento ng mga pulis na nalagay sa situwasyon kailangan nilang makipagbarilan. Maihahambing ito sa mga kuwento ng mga atletang tulad ni Larry Bird, Magic Johnson at maraming iba. Nabanggit ito ng manunulat ng New Yorker na si Malcolm Gladwell sa kanyang bagong librong "Blink".
"This is how the human body reacts to extreme stress, and it makes sense. Sound and memory and broader social understanding are sacrificed in favor of heightened awareness of the threat directly in front of us," sulat ni Gladwell.
Noong inilabas ni Roland A. Carlstedt, Ph.D., isang clinical sports psychologist ng Capella University sa New York City, ang isang pag-aaral kung saang sinundan niya ang 250 atleta sa basketball, baseball, softball, soccer, tennis, at golf at ikinumpara ang takbo ng kanilang utak sa 40 taong di atleta. Natagpuan niyang lahat ng atletang may self-talk o pagdududa sa sarili ay hirap na hirap pag mahigpit ang laban.
Ang mga atleta namang mataas ang bilib sa sarili ay may kakayahang pigilin ang daldalan sa kalooban nila, at nananatiling nakatutok sa kailangang gawin, at nagtatagumpay sa anumang situwasyon.
Ito ang gantimpala ng mga tulad ni Manny Pacquiao at Kobe Bryant.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended