^

PSN Palaro

Pacquiao saludo kami sa’yo

-
LOS ANGELES – Si-guradong walang pahi-nga si Manny Pacquiao pagdating niya sa Cen-tennial Airport ngayon, halos isang linggo na ang nakaraan nang kanyang yanigin ang mundo ng boxing sa pamamagitan ng kanyang panalo laban kay Erik Morales sa Las Vegas.

Sumakay si Pacquiao sa Philippine Airlines jet noong Miyerkules ng gabi dito sa Los Angeles para sa 12 oras na biyahe pau-wi kasama ang kanyang asawang si Jinkee at ang mga miyembro ng Team Pacquiao na kasama niya dito, Dec. 3, 2005 pa.

Maraming fans ang naghintay kay Pacquiao sa Los Angeles airport ngunit nadismaya sila nang malaman nilang na-kasakay na ng eroplano si Pacquiao na gumamit ng ‘secret route.’

Ang totoo ay nagtata-go lamang si Pacquiao at naghintay lamang na ma-bawasan ang tao na nag-kagulo pa sa departure area. Nang magpakita si Pacquiao sa boarding area, nagpalakpakan ang mga pasahero ng erop-lano.

Inaasahang darating ang eroplano ni Pacquiao sa Manila ng alas-5:00 ng umaga. Bagamat tulog pa ang mga tao sa oras na ito, siguradong mainit pa rin ang pagsalubong para sa bayani ng bansa.

"Mga Presidential Se-curity Group daw ang su-sundo sa akin," ani Pac-quiao ihahatid ng convoy at motorcycle escorts sa Hyatt Hotel. Mag-aalmu-sal si Pacquiao sa Mala-cañang kasama si Presi-dent Gloria Macapagal-Arroyo. Mayroon ding programa para sa kanya sa The Fort sa Taguig Ri-zal sa hapon at may street party naman sa Roxas Blvd. sa Baywalk Area.

"Grabe ang schedule. Walang tigil ito," ani Pacquiao. (A. Cordero)

vuukle comment

BAYWALK AREA

ERIK MORALES

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HYATT HOTEL

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MGA PRESIDENTIAL SE

PACQUIAO

PHILIPPINE AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with