^

PSN Palaro

Philippine Open Badminton Championship kinilala ng IBF

-
Nakakuha ang Philippine Open Badminton Championship ng pagkilala bilang kauna-unahang IBF (International Badminton Federation)-ranked tournament upang mai-implementa ang bagong scoring system sa pagdaraos ng nasabing event sa Marso 1-5 sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Kamakailan ay inaprobahan ng IBF Council ang desisyon ng bagong tally point scoring system sa lahat ng IBF-sanctioned events, na dala ang world-ranking points simula sa $120,000 Philippine Open kung saan ang ilang mahuhusay na manlalaro ang maglalaban-laban para sa supremidad ng badminton.

Base sa bagong rules, ang bawat puntos ay iiskoran sa bawat side serves at ang laban na binubuo ng 3 games ng hanggang 21 puntos (dating 15 puntos sa men/doubles at 11 puntos sa ladies singles). At kung ang score ay magtabla sa 20-all, ang sinumang unang nakakakuha ng dalawang puntos na bentahe ang siyang mananalo sa laro. At sa event na dumating sa 29-all game, ang side scoring na 320th point ang magde-deklara ng panalo.

"The pace of matches will be much faster and I will have to wait and see if this affects how I approach the game," wika ni Taufik Hidayat, ang Indon ace na naging kauna-unahang manlalaro na nanalo ng Olympic men’s singles at world crowns, patungkol sa nasabing sistema at kung paano ito gagana.Pangungunahan ni Hidayat ang listahan ng foreign field sa RP Open kung saan inaasahan na makakasagupa siya ng mabigat na laban sa mga mahuhusay rin gaya nina Lin Dan, Pi Hongyan, Nathan Robertson, Gail Emms at Mia Audina Tjiptawan, na pawang sumabak sa nakaraang taong MVP Cup.

Ang RP Open, isang four-star tournament na itinataguyod ng Bingo Bonanza Corp., at JVC ang kauna-unahang IBF tournament na idaraos sa bansa na magbibigay sa mga local players ng tsansa na makakuha ang world-ranking points.. Umaasa ang organizing IMG na hahatak ito ng mahigit sa 200 players mula sa 25 bansa na maglalaban-laban sa nasabing event na gaganapin sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Badminton Association at suportado ng The Philippine Star, Solar Sports, Jam 88.3, 99.5 RT, Magic 89.9, 103.5 K-Lite, Wave 89.1,Snickers, Toby’s Sports, Inquirer Badminton, Fossil Watches, Bacchus, Yonex Sunrise at Crowne Plaza, ang official hotel.

Para sa detalye tumawag sa PBA, Badminton Hall, Rizal Memorial Sports Complex , P. Ocampo St,, Malate Manila o Joel Maborang at +63 926 5973222 o magpadala ng e-mail sa to [email protected] and [email protected] o mag-lag-on sa event’s website sa www.philippineopenbadminton.com.

BADMINTON HALL

BINGO BONANZA CORP

CROWNE PLAZA

FOSSIL WATCHES

GAIL EMMS

INQUIRER BADMINTON

INTERNATIONAL BADMINTON FEDERATION

JOEL MABORANG

LIN DAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with