^

PSN Palaro

NSAs dapat nang magbanat ng buto

-
Kailangan nang magbanat ng buto ang mga National Sports Associations (NSA) simula ngayong taon.

Ito ay dahilan sa kakapusan sa pondo ng Philippine Sports Commission (PSC) matapos aprubahan ng Senado ang 2006 proposed budget na P28 milyon mula sa hiniling nilang P304 milyon.

"They must really stand on their own. They must raise their own funds and the government will only come at the time they needed assistance," wika kahapon ni PSC chairman William "Butch" Ramirez sa mga NSAs.

Sa report sa kanila ng Commission on Audit (COA), 41 NSAs ang hindi pa nakakapagsumite ng kanilang liquidated advances na nagkakahalaga ng P86 milyon noong 2005.

At hanggang walang naibibigay na resibo ang mga sports associations, hindi rin aaprubahan ng sports com-mission ang kanilang mga financial requests, ayon kay Ramirez.

"There will be no releases of legitimate financial assis-tance. Hinihimay rin natin ‘yung mga requests nila, ine-evaluate natin whether ‘yung pagpapadala ng mga atleta sa ibang bansa ay mga legiti-mate," sabi ng PSC chief.

Sa ilalim ng Republic Act 6847, hindi pinipilit ang PSC na magbigay ng tulong pinansyal sa mga NSAs.

"While we recognized both the existence of the NSAs and the Philippine Olympic Com-mittee, we are not mandated by law to really extend financial asistance but the sports community expected to really help them," ani Ramirez. "Appropriate lang na magka-roon ng mga sistema, kriterya at mekanismo para ‘yung pera ng tao ay maayos ang pagka-gastos." (Russell Cadayona)

HINIHIMAY

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE OLYMPIC COM

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RAMIREZ

REPUBLIC ACT

RUSSELL CADAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with