Hindi nangalawang ang Purefoods

Humataw si import Marquin Chandler ng 46-puntos upang pamunuan ang 94-89 panalo ng Purefoods Chunkee laban sa Air21 sa pagbubukas ng semifinals ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference na nagpatuloy sa Araneta Coli-seum kagabi.

Humataw ng 14-puntos si Chandler sa ikalawang quarter at 18-puntos sa third canto kung saan muntik na siyang mapatalsik sa laro nang makipaggirian ito kay Air21 forward Gary David, 2:10 ang oras sa laro ngunit mabuti na lamang at tinawagan lamang ito ng ‘flagrant foul.’

Pinagbidahan din ni Chan-dler ang 11-0 run sa fourth quarter upang makabangon ang Giants mula sa 87-81 pagkakahuli at iposte ang 92-87 bentahe, may 1:09 sa ora-san at inalagaan nila ang kala-mangang ito hanggang sa ma-tapos ang laro.

Hawak na ng Chunkee Giants ang 1-0 bentahe sa best-of-seven semis series laban sa Express na nakara-ting sa round na ito matapos dispatsahin ang early tourna-ment favorite na Talk N Text sa quarterfinals sa pamamagitan ng 3-2 panalo sa best-of-five serye.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyan ding naglalaban ang Red Bull Barako at Barangay Ginebra sa Game-One ng kanilang seriling best-of-seven semis series. (CVOchoa)

Show comments