Welcome, Welcoat
January 21, 2006 | 12:00am
Bago pa man lumabas ang balitang nabili na ng Welcoat Housepaints and prangkisa ng nag-disband na Shell Velocity ay palaging napagkikita si coach Leo Austria na nanonood ng mga laro sa PBA. Kasama niyang nanood sina Caloy Garcia at Jorge Gallent.
Kaya nga kalat na kalat talaga ang balitang papasok ang Welcoat sa PBA. Kasi nga, ngayon palang ay pinaghahandaan na ng coaching staff nito ang kalaban bagamat sa Setyembre pa sila bubuo ng team. Akala nga ng lahat ay sa susunod na conference na papasok ang Welcoat at magiging sampu na ang kalahok sa All-Filipino Conference. Hindi pala!
Kung sa bagay, tama lang din yon.
Kasi nga, hindi naman uubrang ngayon magsagawa ng expansion draft kung saan maglalaglag ng mga manlalaro ang siyam na koponan sa PBA para pagpilian ng Welcoat. Kelangan din kasing makakuha ng manlalaro ang Welcoat sa susunod na draft para maging competitive sila. Hindi uubrang basta ipanhik nila sa PBA ang team nila na galing sa Philippine Basketball League dahil baka hindi sila makapagbigay ng magandang laban.
Pero teka, bakit tatlo lang ang manlalarong pwede nilang iangat buhat sa kanilang PBL team na Rain or Shine?
Hindi bat nang pumanhik ang Purefoods, Tanduay Rhum at Red Bull ay binigyan ang mga ito ng konsiderasyong magpanhik ng lima o anim na players na direct hire nila.
Magkaiba ba noong panahong iyon kaysa ngayon?
O baka nag-aalala ang mga PBA ballclubs na derektang kunin ng Welcoat ang mga players na hindi naman nanggaling sa kanilang koponan na gaya nina Arwind Santos, Kelly Williams, Joe Devance at L.A. Tenorio na ngayon palang ay pinagnanasaan na ng mga PBA teams?
Kumbagay papapasukin nga nila ang Welcoat pero mga Welcoat players lang ang pwede nitong iangat. At tatlo lang. Parang unfair!
Kung sa bagay, ganoon talaga ang papel ng baguhang team. Sila ang pumapasok sa club so dapat ay sundin nila ano man ang magiging alituntunin ng club.
Ang mahalaga para sa Welcoat ay makapasok muna at saka na sila magpalakas ng team. Pero sayang nga, e.
Ang tagal nang binalak ng Welcoat na pumanhik sa PBA. May panahon ngang hinog na ang lahat ng manlalaro ng Welcoat gaya nina Ren-Ren Ritualo, Yancy de Ocampo, Jojo Manalo at iba pa pero sa halip na buong-buong makaakyat sila ay naghiwa-hiwalay pa dahil hindi muna tinanggap ng PBA ang Welcoat.
Ngayon ay start from scratch ang Welcoat. Dapat siguroy noon pa binili ng Welcoat ang prangkisa ng Shell at nang buong Shell team pa ang kanilang nakuha. Napalakas na rin naman ni Austria ang Turbochargers at hinog na sana ito para sa Finals stint kung di nag-disband!
Puwes, baka maging whipping boys muna sa PBA ang Welcoat bago tuluyang makapamayagpag pagkatapos ng ilang seasons.
Belated birthday greetings kina Marivic Garciano na nagdiwang noong Enero 17 at kay Francis Asensi na nagdiwang noong Enero 18.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended