Huling semis slot paglalaban
January 21, 2006 | 12:00am
Paglalabanan ngayon ng Granny Goose Tortillos at ng Montaña Pawnshop ang ikaapat at huling semifinals berth sa kanilang do-or-die match sa pagtatapos ng quarterfinals ng 2006 PBL Heroes Cup sa San Andres Gym sa Malate, Manila.
Naipuwersa ng Jewels ang sudden-death match na ito matapos hatakin ang 82-73 panalo noong Huwebes at magkaroon ng tsansang kumpletuhin ang dalawang panalong kailangan laban sa Tortillos na may twice-to-beat advantage.
Dahil sa nakaraang tagumpay, mataas ang morale ng Montaña na may taglay na momentum papasok sa alas-3:30 ng hapong pakikipagsagupa sa Snackmasters.
Kung mananalo ang Montaña sila ang haharap sa Rain or Shine sa best-of-three semifinal series habang sa isa pang semis match, magsasagupa naman ang Harbour Centre at ang No. 2 Magnolia Ice Cream sa isa pang semis pairing.
Ngunit kung mananalo ang Tortillos, sila ang lalaban sa Magnolia sa semis habang ang Rain or Shine ang sasagupa sa Harbour Centre sa isa pang semis duel. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended