No. 4 ang Port Masters

May bentahe na ang Harbour Centre laban sa Hapee-PCU.

Nakuha ng Port Masters ang ikaapat at huling quarterfinal slot na may twice-to-beat advantage laban sa Hapee-PCU matapos ang 69-63 panalo sa kanilang playoff game kahapon sa 2006 PBL Heroes Cup sa San Andres Gym sa Manila.

Parang ‘best-of-three’ ang labanang ito ng Harbour Centre at ng Teethmasters at may 1-0 bentahe na ang Port Masters kaya’t isang panalo na lamang ang kanilang kailangan upang makasulong sa semifinal round.

Inokupahan ng Port Masters ang No. 4 slot at ang No. 5 din na Hapee-PCU ang kanilang makakaharap sa quarterfinals habang sa isa pang quarterfinal match ay ang Granny Goose na may twice-to-beat advantage at ang Montaña Jewels naman ang magsasagupa.

Bagamat nagtapos sa eliminations ang Granny Goose, Harbour Centre at Hapee-PCU na pare-parehong may 6-5 record, inangkin ng Tortillos ang No. 3 slot dahil sa kanilang pinakamataas na quotient.

Magsisimula ang quarterfinals bukas sa San Andres gym din.

Pinangunahan ni Rob Reyes ang Harbour Centre sa kanyang 13-puntos at 16 rebounds para mangailangan na lamang ng isang panalo ang Port Masters para makapasok sa semis at dalawang beses silang kailangang talunin ng Hapee-PCU.

Matapos mabaon sa 30-36 sa halftime, bumangon ang Harbour Centre sa ikatlong quarter para ibandera ang 15-puntos na kalamangan, 43-58.

Gayunpaman, hindi basta-basta bumitaw ang Hapee-PCU na sinikap maghabol ngunit sapat lamang ito para makalapit sa 63-67 papasok sa huling mahigit dalawang minuto ng labanan nang nabigo silang sustinihan ang kanilang rally.

Show comments