^

PSN Palaro

PSC, walang kikilalaning basketball group hangga’t...

-
Walang basketball group na susuportahan ang Philippine Sports Commission (PSC).

Sinabi ni PSC Commissioner Richie Garcia na hanggang hindi nareresolbahan kung sino ang lehitimong cage body ay pansamantala muna silang didistansya sa naturang isyu. 

"At this point in time we are not supporting anybody in basketball. Kami sa Philippine Sports Commission we’ll just wait and see because that is a POC problem more than the PSC," ani Garcia.

Sinibak ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Basketball Association of the Philippines (BAP) ni Joey Lina, habang binigyan naman ng ‘conditional recognition’ ang Philippine Basketball Federation (PBF) ni Moying Martelino. 

Nagtakda ang FIBA, ang international basketball federation, ng deadline sa Marso 31 ng 2006 upang resolbahin ng POC ang nasabing isyu. 

"Until then, until they decided wala pa rin kaming support kahit na kanino," wika ni Garcia.

Ayon sa isang source, hindi tatanggapin ng FIBA ang PBF bilang bagong cage body sa Pilipinas habang patuloy pa rin nilang tinatanggap na miyembro ang BAP.

Kaugnay nito, nakatakda namang ilatag ni POC chairman Robert Aventajado sa mga basketball stakeholders ang binagong Constitution and By-Laws ng PBF bukas. (Russell Cadayona)

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

COMMISSIONER RICHIE GARCIA

CONSTITUTION AND BY-LAWS

GARCIA

JOEY LINA

MOYING MARTELINO

PHILIPPINE BASKETBALL FEDERATION

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

ROBERT AVENTAJADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with