^

PSN Palaro

Harbour Centre vs Hapee sa No. 4

-
Sila rin ang magsasa-gupa para sa best-of-three quarterfinals series.

Ngunit ang isa sa kanila ang aangkin sa No. 4 berth na magbubulsa sa ‘twice-to-beat’ advantage kagaya ng makukuha ng No. 3 team sa quar-terfinals.

Magsasagupa ang Harbour Centre at Hapee-PCU ngayong alas-3:30 ng hapon para sa isang playoff game sa PBL Heroes Cup sa San Andres Gym sa Malate, Manila.

Ang mananalo ang ku-kuha sa No. 4 seat at ang mabibigo ang tatanggap sa No. 5 slot sa quarter-finals.

Nanggaling ang Port Masters sa inspiradong 69-61 tagumpay sa Mag-nolia Wizards, kumuha sa dalawang automatic semifinals seat kasama ang Rain or Shine Elasto Painters, tampok rito ang 14 puntos ni LA Tenorio, 13 ni Joseph Yeo at 11 ni Robbie Reyes, para idiretso sa apat ang kanilang pagratsada sa eliminasyon.

Yumukod naman ang Teethmasters sa nasipa nang Toyota Otis-Letran Knights, 54-61, na nagba-sura sa kanilang tsansa para sa isang playoff berth sa semis.

Nagtapos sa magka-kaparehong 6-5 baraha ang Granny Goose, Harbour Centre at Hapee-PCU sa eliminasyon kung saan nakuha ng Snack-masters ang No. 3 berth mula sa mas mataas nilang quotient kumpara sa Port Masters at Teeth-masters.

Sasagupain ng Gran-ny Goose ang Montaña (5-6), uupo bilang No. 6 team, sa quar-ter-finals series. (R. Cadayona)

GRANNY GOOSE

HAPEE

HARBOUR CENTRE

HEROES CUP

JOSEPH YEO

PORT MASTERS

ROBBIE REYES

SAN ANDRES GYM

SHINE ELASTO PAINTERS

TOYOTA OTIS-LETRAN KNIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with