^

PSN Palaro

Air21 binuhat ng De Ocampo brothers

-
Nagtulong ang mag-kapatid na Yancy at Ra-nidel de Ocampo sa endgame upang ma-kabawi ang Air21 sa Talk N Text, 90-87 sa pagpapatuloy ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference quarterfinals na sa Araneta Coliseum kagabi.

Matapos mala-sap ang 109-111 pagkata-lo sa opening game ng ka-nilang best-of-five series, naitabla ng Express ang serye sa pamamagitan ng De Ocampo brothers na umiskor ng mahahala-gang puntos sa endgame para mapreserba ng Air21 ang trangko.

Pinangunahan ng nakababatang Ranidel ang Express sa kanyang tinapos na 17-puntos kasunod sina Renren Ritualo at import Shawn Daniels na may 17 at 14 puntos ayon sa pagkaka-sunod habang ang naka-tatandang si Yancy ay nagsumite naman ng 12-puntos para sa Express na nakarating sa quarter-finals makaraang tang-galan ng korona ang de-fending champion San Miguel Beer sa kanilang best-of-three wild card series, 2-1.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban din ang Red Bull at Alaska sa kanilang Game-2 ng kanilang sariling best-of-5 series. (CVOchoa)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

DE OCAMPO

FIESTA CONFERENCE

RED BULL

RENREN RITUALO

SAN MIG COFFEE

SAN MIGUEL BEER

SHAWN DANIELS

TALK N TEXT

YANCY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with