Magmumulta si Morales kung di aabot sa timbang
January 15, 2006 | 12:00am
LOS ANGELS Malaking halaga ng salapi ang ilalabas ni Erik Morales kung sakaling hindi nito maabot ang sinang-ayunang timbang sa kanilang sagupaan nila ni Manny Pacquiao sa Enero 21 (Enero 22 sa bansa) sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas.
Ayon sa American trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach, nakasaad sa kontrata sa magaganap na rematch ng dalawang mahuhusay na featherweight boxers ang pagpataw ng napakalaking halaga sa sinumang boksingero na lalampas sa pinagkasunduang 130lbs.
"For every pound above the 130-lb weight limit, Morales will have to pay $2-50,000 and that money will go to Manny," wika ni Roach.
Hindi na bago para kay Morales ang pagkakaroon ng problema sa kanyang timbang at sa huli nga niyang pag-akyat sa kuwadradong lona laban kay Zahir Raheem ay tumimbang ang dating Mexican champion ng 134lbs na lampas ng isang pound sa napagkasunduan.
Ang paglalagay ng kaparusahan sa sinumang boxer na lalampas sa weight limit sa magaganap na sagupaan ay naitakda na noon pang Oktubre 2005 na isiningit ng manager ngayon ni Manny na si Shelly Finkel.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may ganitong clause sa isang kontrata dahil nangyari na ito nang nagkaharap sina Diego Corrales ng US at Jose Luis Castillo ng Mexico na ginawa sa Las Vegas.
Pinagmulta ng malaking halaga si Castillo nang lumampas siya sa 135-lb limit pero nakabawi siya nang maagaw niya ang titulong hawak ni Corrales gamit ang seven round knockout panalo. (JM Marquez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am