Sinabi ni Bob Arum, top honcho ng Top Rank Promotions, na kung sino man ang mananalo sa Manny Pacquiao-Erik Morales fight sa Jan. 21 ay hindi kakalabanin ni Barrera.
"Forget Barrera," sabi ni Arum sa The STAR nang magpakita ito sa Wild Card Gym sa Hollywood dito kung saan isinagawa ni Pacquiao ang kanyang unang public workout para sa nalalapit na laban kontra kay Morales.
"If they want an idea of what Barrera is worth, its that Barrera cannot draw the people. In his last two pay-per-view fights nobody watched," ani Arum.
Si Arum ang promoter ng Jan. 21 na tinaguriang "The Battle." Siya rin ang promoter ni Morales nang talunin ito ni Pacquiao noong Marso 2005 sa MGM Grand sa Las Vegas.
Si Barrera ay mina- managed at prino-promote ni Oscar dela Hoya na nagmamay-ari ng Golden Boy Productions.
Malinaw na walang ugnayan ang Golden Boy Productions at Top Rank Promotions.
Sinabi ni Barrera kamakalawa na nais niyang idepensa ang kanyang 130lb title laban kay Pacquiao kung mananalo ito kay Morales.
Pinabagsak ni Pacquiao si Barrera sa non-title fight noong November 2003.
Gaganapin din ang Pacquiao-Morales rematch sa Las Vegas, sa 16,000-seat Thomas and Mack Center sa loob ng UNLV campus.
Sinabi ni Arum na ang ticket sales ng laban ay "phenomenal."
"If Erik wins the fight, he wants to have a revenge fight against Zahir Raheem or maybe fight Juan Manuel Marquez," ani Arum.
Nalasap ni Morales ang masaklap na pagkatalo kay Raheem noong September 2005 at nais niyang makabawi.
Si Marquez ang reigning WBA featherweight (126 lb) champion ngunit plano niyang umakyat sa 130 lb.
"And if he (Erik) loses to Pacquiao, there a clause in their fight contract for a rematch so they would have a rubber fight," sabi pa ni Arum. (ACordero)