Cortez, napiling PBAPC Player of the Week
January 10, 2006 | 12:00am
Galing sa isang malaking crunch game, nasusukat ang kagalingan ng isang manlalaro. At kung ito ang kaso, nahaharap sa tamang direksiyon si Mike Cortez.
Ang kilalang point guard na tinaguriang Cool Cat ay nagpamalas ng kanyang kahusayan sa mga nagdaang laro, pero kakaiba ito noong nakaraang Linggo dahil nabitbit niya ang Alaska habang pinakitaan ang isang rookie na nagtatangkang sapawan siya.
Sa katapusan, tumapos si Cortez na may career-high na 27 puntos bukod pa sa 8 assists at dalhin ang Aces sa 108-104 double overtime na panalo laban sa Sta. Lucia sa wildcard series ng PBA Fiesta Conference.
"Mike was awesome," patungkol ni Alaska coach Tim Cone kay Cortez.
"We were just giving him pick-and-roll plays and he was making the most out of it," dagdag pa ni Cone.
Ito ang mga katagang binitawan ni Cone na tumulong din para magkaisa ang PBA Press Corp na piliin ang 25 anyos na Fil-Am bilang San Mig Coffee -PBA Player of the Week.
Tinalo ni Cortez para sa parangal sina Danny Ildefonso ng San Miguel, Ren-Ren Ritualo ng Air21 at Mark Caguioa ng Barangay Ginebra.
Tinabunan din ni Cortez ang tangkang pagsapaw sa kanya ng rookie na si Alex Cabagnot, na nanalasa sa first half ng kanilang laban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am