Umiskor si Cortez ng siyam na puntos sa kan-yang tinapos na game-high na 27, sa ikalawang overtime upang ibigay sa Aces ang 1-0 kalama-ngan sa best-of-three serye.
Kailangan na lamang manalo ng Alaska sa Mi-yerkules upang tuluyang makapasok sa quarter-final round kung saan naghihintay na ang Talk N Text at ang Red Bull.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyan pang naglalaban ang Air-21 at ang survivor team na defending champion San Miguel Beer sa kanilang sariling best-of-three serye.
Bagamat ang Realtors ang may huling pagkaka-taong isukbit ang panalo sa regulation at unang overtime, pumaltos ang jumper ni Alex Cabagnot at lumuwa sa ring ang tira ni Dennis Espino na si-yang dahilan ng dala-wang extensions.
Nasayang ang eksplo-sibong performance nina Dennis Espino na may 26-puntos, import Damien Owens na may 24 at Kenneth Duremdes na tumapos ng 21 dahil sa pagka-talo ng Realtors. (CVO)