Kamao at hindi bibig
January 8, 2006 | 12:00am
Kaysa sa magsalita, sinabi ni Erik Morales na ipapakita na lamang niya sa pamamagitan ng kanyang mga suntok ang nais niyang sabihin sa kanyang pakikipagharap kay Manny Pacquiao sa Jan. 21 sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Sinabi ng Mexican three time-world champion sa fightnews.com kamakalawa na kumpiyansang-kumpiyansa siyang tatalunin niya ang Filipino southpaw sa rematch ng kanilang classic fight noong Marso 2005 sa MGM Grand.
Ngunit nagsalita siya laban sa Team Pacquiao.
"Pacquios people are talking too much. They talk and talk. Lets see if they can execute all those things they talk about," sabi ng matangkad at mestisong Mexican.
Nitong nakaraang araw, sinabi ng American trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach na, "woudnt be surprised" kung mana-knockout ng kanyang alaga si Morales kung susunod ang Pinoy sa kanilang mga plano.
Ayon kay Morales, madali itong sabihin ngunit mahirap gawin.
"They say theyre going to be more aggressive. Well good luck to them. The problem is they have me in the front of them and I dont back down," ani Morales.
Tinalo ng former world super featherweight champion si Pacquiao sa kanilang unang pagkikita sa pamamagitan ng unanimous decision bagamat inilarawan ang laban na "most dramatic" sa taong 2005.
"After having fought him I dont think he can knock me out. Im going to take risks and improvise a little bit depending on how the fight develops," wika pa ng Mexican.
Malapit nang matapos si Morales sa kanyang training sa Mexico at nakatakda itong lumipad patungong Sin City sakay ng kanyang private jet, apat na araw bago ang laban na inaasahang papanoorin ng milyun-milyong boxing fans sa buong mundo.
Nasa Los Angeles si Pacquiao kung saan nagsimula itong magtraining noon pang Dec. 3, 2005. Nakatakda itong magtungo sa Vegas sa Jan. 16 at titira sa bagong Wynn Resort and Casino sa pamosong Vegas strip.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended