^

PSN Palaro

Photokina, patuloy na susuporta sa PSA

-
Ipagpapatuloy ng long-time partner ng local sports ang pagsuporta sa Philippine Sportswriters Association (PSA) na magbibigay ng parangal sa top sports achievers ng 2005 sa Annual Awards Night sa January 14 sa Manila Pavilion.

Ni-renew ng Photokina marketing, ang kumpanya sa likod top energy drink na Red Bull, ang partnership sa top sportswriting fraternity ng bansa, na pumili sa Team Philippines sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games bilang Athlete of the Year ng 2005.

"Again we appreciate the whole-hearted support Photokina is extending us in making the Annual Awards Night another big success," ani PSA president Jimmy Cantor ng Malaya. Ang Photokina ay regular sponsor ng taunang awards rites habang ang Red Bull ang masugid na tagasuporta ng lingguhang PSA Forum. Si Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping‚ Cojuangco Jr. ang guest of honor at speaker sa simpleng dalawang oras na award rites na dadaluhan ng top sports officials ng bansa. Ang host ng event na ipapalabas ng delayed basis sa NBN-4 ay ang amateur basketball star na si Alex Compton at ang sikat na sports broadcaster na si Patricia Bermudez-Hizon.

Ang diver na si Sheila Mae Perez, nanalo ng tatlong gold medals sa biennial meet, ang tatanggap ng malaking tropeo para sa Team Philippines, na kumopo ng overall title sa kauna-unahang pagkakataon sa SEA Games sapul nang sumali noong 1977.

Dalawampu’t dalawang atleta, kabilang ang boxing sensation na si Manny Pacquiao, golf star Jennifer Rosales at si Perez, ang tatanggap ng major awards mula sa pinakamatandang media organization ng bansa. Ang lahat ng nag-ambag sa 113 gold medal sa SEA Games ay bibigyan ng special citations.

Nangunguna naman sa listahan ng entities at personalities na bibigyan ng citation ay ang San Miguel Corp. na nagbigay ng P100 million sa First Gentleman’s Foundation para sa training ng mga atleta sa SEA Games.

Dahil sa six gold-medal sweep sa SEA Games, ang Philippine Dragon Boat Federation ang unanimously voted bilang most outstanding national sports association habang ang Philippine Paralympics team at si Joseph Dumuk ay bibigyan ng special awards.

Nagbulsa ang Para Games RP contingent ng record 22 gold medals sa nakaraang 3rd ASEAN Para Games habang si Dumuk ang gumawa ng komprehensibong medal tally sa SEA Games para sa RP secretariat.

Ang mga batang golfers na sina Wolen Superal at Miguel Tabuena ay bibigyan ng Antonio M. Siddayao awards dahil sa kanilang tagumpay sa international competitions.

ALEX COMPTON

ANG PHOTOKINA

ANNUAL AWARDS NIGHT

ANTONIO M

ATHLETE OF THE YEAR

COJUANGCO JR.

GAMES

PARA GAMES

RED BULL

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with