^

PSN Palaro

Devance, nangunguna sa PBL MVP race

-
Sa pagiging No. 3 sa scoring department at No. 2 sa rebounding area, kinuha ni Fil-American rookie Joe Devance ang pamumuno sa labanan para sa Most Valuable Player (MVP) plum ng PBL Heroes Cup.

Kumabig ang bagitong si Devance ng efficiency rating na 17 points sa likod ng kanyang 15.67 points per game at 10.0 sa boards upang rendahan ang karera para sa MVP crown ng torneo.

Nagawa ng 6-foot-7 slotman na makuha ang No. 1 slot sa kabila ng mahinang ipinapakita ng Toyota Otis-Letran mula sa kanilang 2-7 kartada.

Nasa No. 2 at No. 3 naman sina dating PBA player Jojo Tangkay ng Rain or Shine at Fil-Am Kelly Williams ng Magnolia Dairy Ice Cream sa kanilang efficiency ratings na 16.85 points at 15.13 points, ayon sa pagkakasunod.

Sakaling masipa ang Knights ni Devance sa eliminasyon, tuluyan nang mababasura ang produksyon ng Fil-Am para sa MVP race.

Ang 6’2 na si Tangkay ang kumakamada sa scoring department sa kanyang 19.62 points average, samantalang ang 6’6 namang si Williams ang naghahari sa rebounding sa kanyang 11.0 boards per game.

Wala naman sa Top 5 ang back-to-back MVP awardee na si Arwind Santos ng Magnolia bunga ng kanyang mababang efficiency rating na 12.75 points.

Ngunit sa kabila nito, patuloy pa ring nangunguna ang Wizards ni Koy Banal sa pamamagitan ng kanilang 7-1 rekord. (Russell Cadayona)

ARWIND SANTOS

FIL-AM KELLY WILLIAMS

HEROES CUP

JOE DEVANCE

JOJO TANGKAY

KOY BANAL

MAGNOLIA DAIRY ICE CREAM

MOST VALUABLE PLAYER

NASA NO

RUSSELL CADAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with