New Years wishes para sa Sports World
December 30, 2005 | 12:00am
Narito po ang ilang New Years wishes para sa sports world:
1. Sana ay magkaayos na ang mga basketball leaders para naman maayos na ang takbo ng amateur basketball sa ating bansa. Hanggat di sila nagkakaayos, walang mangyayari sa basketball sa Pilipinas. Patuloy lang tayong pupulutin sa kangkungan at pagtatawanan ng mga basketball leaders ng ibang bansa. Sana, sa susunod na SEA Games, may basketball na at may national basketball team na ulit.
2. Sana ay mapanatili na ng PBA ang kasalukuyang tagumpay na tinatamo nila. Sana ay magpatuloy na manood ang mga tao, mag-improve ang live crowd attendance kahit na walang laro ang Ginebra, at sana ay mag-improve na rin ang TV ratings upang pumasok na ang mga advertisers sa Channel 5.
3. Dahil maraming players ang walang trabaho ngayon, sana naman ay magkaroon na ng dalawa o isang bagong teams sa PBA para may paglagyan ang mga players na bata pa eh wala nang team at laos na agad.
4. Sana ay maayos na ang La Salle controversy at sanay mai-handle ito ng maayos ng UAAP board.
5. Sana ay magkaroon na ng isang definite na venue ang PBL games next year. Hirap ang mga PBL fans na sundan ang mga laro lalo na sa mga gym na sa mga lugar na hindi accessible sa traffic.
6. Sana ay magpatuloy ang magandang funding mula sa private sector para sa mga athletes natin nang hindi masayang ang SEA Games accomplishments natin recently. Sana ay patuloy na maging maganda ang training nila para may makarating namang mga Pinoy athletes sa Olympics.
7. Sana ay manalo si Manny Pacquiao.
8. Sana ay matuloy ang teleserye sa mga buhay ng mga matagumpay na athletes sa ating bansa.
9. Sana ay makabalik sa paglalaro sa PBA si Vergel Meneses.
10. Sana ay may mag-champion namang ibang teams sa NCAA at UAAP. Para naman hindi yun at yun na lang ang mga teams na nakikita nating namamayagpag sa finals.
11. Sana ay marami pang ibang sports heroes na maglabasan from the grassroots. Sana ay ipagpatuloy lang ni PSC Chairman William Ramirez ang kanyang kampanya na maghanap at mag-develop ng mga athletes mula sa grassroots. Bago pa man naupo bilang Chairman, yan na ang mga projects niya.
12. Sana ay maging matagumpay ang kidney transplant ng katotong Butch Maniego ng PBL.
13. Sana nga ay walang plastikan ang pagkakabati nina Enrico Villanueva ng Ateneo at Joseph Yeo ng La Salle.
14. Sana ay maraming magagaling na rookies ang pumasok sa PBA drafting next year.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended