Sa tingin ko malaki talaga ang maitutulong ni Mayor Tolentino sa Philippine chess," wika kahapon ni Antonio. "Matagal na rin naman kasi siyang tumutulong sa aming mga chess players kapag may mga kailangan kami."
Bukod kay Tolentino, naghayag rin ng kanyang kagustuhang lumaban sa presidential race ng chess federation si Surigao Rep. Prospero Pichay.
Sinabi na ni NCFP president Go Teng Kok na ayaw na niyang kumuha pa ng panibagong termino at sa halip ay ibubuhos na lamang niya ang kanyang atensyon sa pamamahala sa Philippine Amateur Track and Field Association.
Nakatakda ang eleksyon para sa mga bagong opisyales ng NCFP sa Enero 26.
Sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games, walang naisulong na gintong medalya ang Team Philippines sa kabila ng pagbandera nina Antonio at GM Eugene Torre.
"Malaking kawalan talaga si Mark Paragua kasi nakatatlong gold medal siya sa Vietnam noong 2003," wika ni Antonio. "Siguro wala rin naman kaming sistema at programa for the SEA Games kaya nagkaganoon ang resulta."
Sa ilalim ni Tolentino, inaasahan ni Antonio na makakabangon ang Philippine chess sa mga susunod na taon. (Russell Cadayona)