^

PSN Palaro

4 chessers nakalapit sa GM Norm

-
SINGAPORE – Apat na Filipino woodpushers na sina International Masters Jayson Gonzales, Richard Bitoon, Oliver Dimakiling at National Master Darwin Laylo ang nagposte ng impresibong panalo na naglapit sa kanilang kampanya para sa pagsikwat ng grandmasters norm sa pagpapatuloy ng 2005 Singapore Masters and Challenges International Open Chess Championships noong Miyerkules dito sa Hotel Royal sa Newton Road.

Dinispatsa ni Gonzales ang Manila SEA Games veteran na si Bao Quang ng Vietnam sa 36 sulungan ng Queen’s Indian upang umiskor ng 3.5 puntos kasalo ang top-ranked player ng bansa na si GM Mark Paragua, dating Asian junior champion, GM Nelson Mariano II, Dimakiling, Laylo, GM Wu Shaobin ng Singapore, IM Gur Mittleman ng Israel, IM Ashot Nadanian ng Armenia at IM Salor Sitanggang ng Indonesia.

Tangka ni Gonzales, isang enlisted personnel ng multi-titled Philippine Army na maging ikapitong Pinoy GM.

Determinado naman si Dimakiling na makuha ang kanyang unang GM norm ng kanyang payukurin si IM Jason Goh ng Singapore sa 46-sulungan ng Slav Defense.

Mabilis namang nag-alok si Mariano ng draw sa kababayang IM na si Bitoon sa 15 moves ng Sicilian Defense, habang nakuntento naman si Laylo sa pakikipagtabla rin kay GM Wu Shaobin ng Singapore.

Bunga nito, nakatabla si Bitoon sa 2nd hanggang 6th place taglay ang 4 puntos kina GM Zhang Zhong at GM Ni Hua China, ex-world junior women champion GM Humpy Koneru ng India, GM Victor Mikhalevski ng Israel at Tu Hoang Thai ng Vietnam.

Base sa FIDE handbook rules, kailangan lamang ng manlalaro na umiskor ng 6 o kaya ay 6.5 puntos defende sa rating ng kanyang makakalaban ang makakauha ng grandmaster norm/results.

Samantala, patuloy naman sa pananalasa si Dr. Alfredo Paez ng kanyang iposte ang ikalimang dikit na panalo laban kay Melvyn Lim ng Singapore para makasalo sa liderato sa kapwa Pinoy na si Tolentino sa Challengers section.

Ginapi ni Paez, tubong Sta. Cruz, Marinduque si Lim sa 32 moves ng Dutch Defense upang ibabala ang kanyang kahandaan sa pagsungkit ng korona sa ikatlong sunod na pagkakataon sa FIDE nine-round Swiss event na ito.

ASHOT NADANIAN

BAO QUANG

BITOON

DIMAKILING

DR. ALFREDO PAEZ

DUTCH DEFENSE

GONZALES

GUR MITTLEMAN

HOTEL ROYAL

WU SHAOBIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with