^

PSN Palaro

Bowling umaasang makakasikwat ng ginto sa Doha Asiad

-
Sa team events umaasa ang Philippine Bowling Cong-ress (PBC) na makakasikwat ng gintong medalya para sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar sa Disyembre ng 2006.

"Sabi kasi ng PBC sa team events talaga kami malakas eh," wika ni national bowler Markwin Tee Lopez, nagpa-gulong ng gold medal sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games. "Sa tingin ko rin sa team events kami mas may chance na manalo ng gold medal sa 2006 Asian Games."

Kabilang sa mga miyembro ng men’s ay sina 2004 World Cup champion CJ Suarez, Chester King, Joonnie Gat-chalian at Biboy Rivera, habang ang women’s squad naman ay binubuo nina Liza Del Rosario, Ces Yap, Liza Clutario at Jojo Canare.

Sa nakaraang Asian Games noong 2002 sa Busan, Korea, nagpagulong ang Team Philippines ng tatlong gintong medalya.

Ang nasabing tatlong gold medal ay nanggaling kina bowlers Paeng Nepomuceno, ang four-time World Cup champion, at RJ Bautista, billiards masters Francisco ‘Django’ Bustamante at Antonio Lining at equestrienne Mikee Cojuangco-Jaworski.

"Tuluy-tuloy na rin ‘yung training namin sa national team in preparation for the 2006 Asian Games in Doha, Qatar. Sana lang mas ma-improve pa ako pagdating ng Asian Games," wika ni Lopez.

Isang gintong medalya ang iniambag ni Lopez sa naka-raang 2005 SEA Games buhat sa kabuuang apat na nakuha ng mga Filipino bowlers. (Russell Cadayona)

ANTONIO LINING

ASIAN GAMES

BIBOY RIVERA

CES YAP

CHESTER KING

DOHA

GAMES

JOJO CANARE

JOONNIE GAT

LIZA CLUTARIO

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with