Tagumpay ng FEU natabunan ng kontrobersiya
December 25, 2005 | 12:00am
Isang matamis na tagum-pay para sa Far Eastern Uni-versity ang kanilang pagiging kampeon sa basketball tour-nament ng University Athletics Association of the Philippines sa taong ito.
Itoy dahil nabawi nila ang koronang inagaw sa kanila ng De La Salle University noong nakaraang taon sa pamama-gitan ng pag-sweep ng best-of-three championship series sa 2-0.
Dahil ditoy hindi nasayang ang pagdedesisyon ni Arwind Santos na ipagpaliban muna ang kanyang pag-akyat sa professional league.
Nabiyayaan siya ng ika-lawang sunod na MVP title at ng titulong hindi niya naisubi noong 2004 nang ipagkait ito sa kanya ng kanyang mahigpit na karibal na si Mac Cardona, nauna nang pumalaot sa pro-rank.
Ngunit habang ninanam-nam pa ng FEU Tamaraws ang kanilang ika-16th overall bas-ketball title, isang malaking kontrobersiya na ang namuo.
Hindi pa natatapos ang basketball tournament, La Salle na mayroon silang in-eligible players sa kanilang seniors basketball roster.
Minabuti ng La Salle na kumpirmahin muna ang kani-lang hinala at nagkusa silang gumawa ng sariling imbes-tigasyon.
Dahil sa kabi-kabilang ta-nong, nagpatawag ng press conference ang La Salle.
Ngunit imbes na magbigay ng kasagutan, lalong nagka-roon ng maraming katanu-ngan.
Kinumpirma ng La Salle na sina Mark Benitez at Tim Gat-chalian na lumaro sa La Salle team na nagkampeon noong 2004 season matapos magpa-sa ng pekeng PEP Test certi-ficate.
Ngunit kailangan pa nilang imbestigahan kung papaano nakapasok sa team ang dalawa.
Nagbigay na rin ng official report ang La Salle sa UAAP Board na kasalukuyan pang gumagawa ng kanilang sariling imbestigasyon.
Isang five-man committee ang binuo ng UAAP na kinabi-bilangan nina UAAP Season 68 secretary-treasurer Dr. Ri-cardo Matibag ng host Adam-son, Fr. Nat de Sagun ng UST, Arlyne Royo ng National Uni-versity, Josie de Leon ng Far Eastern U at Atty. Rene Villa, legal counsel ng liga upang im-bestigahan hindi lamang ang La Salle kundi ang lahat ng member school sa posibleng paggamit ng ineligible players.
Inaasahang isinoli na ng La Salle ang kanilang 2004 trophy sa 68th season host Adamson University.
Inaasahang igagawad sa Far Eastern ang naturang tro-peo ng Archers at kung mag-kakagayon ay ang Tamaraws na ang winningest team sa kasaysayan ng UAAP dahil sa kabuuang 17-titles.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended