Pinoy swimmers may pag-asa sa Doha Asiad
December 25, 2005 | 12:00am
Mula sa matagumpay na kampanya sa naka-raang 23rd Southeast Asian Games, kumpiyansa ang Philippine Amateur Swimming Association (PASA) sa kanilang ipapakita sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar sa 2006.
"I think with what we have shown in the 2005 Southeast Asian Games, I expect that our swimmers will have a decent performance in the 2006 Asian Games in Doha, Qatar," wika ni PASA president Mark Joseph.
Sa 2005 SEA Games, lumangoy ang mga Fili-pino swimmers ng kabuuang apat na gold, limang silver at limang bronze medals.
Tampok rito ang tatlong gintong medalya ni Fil-American tanker Miguel Molina na nakakuha ng pinakamalaking cash incentive na P300,000.
Ayon kay Joseph, nakapagsumite na siya ng isang programa sa Philippine Olympic Committee (POC) kung saan masusukat ang tunay na kakayahan ng kanyang mga swimmers patungo sa 2006 Asian Games sa Doha, Qatar.
"I have already submitted a strategic plan, which I hope the POC and the PSC will support," ani Joseph sa programa ng swimming association. "It will gauge how well we are doing or not."
Hangad rin ni Joseph na magkaroon ng isang transition ang mga may edad nang tankers para sa pagpasok ng mga bagong swimmers na kakatawan sa bansa sa mga international competitions, partikular na ang SEA Games, Qatar Asian Games at Olympics. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended