^

PSN Palaro

Pabahay para sa mga atleta hiling ni Cojuangco

-
Pagkatapos ng pagsisilbi ng mga atleta sa bayan, saan sila pupunta?

Ito ang tanong ni Philippine Olym-pic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco na nais niyang mabigyan ng kasagutan.

"Karamihan sa kanila, puro for the country ang iniisip nila," ani Cojuangco. "Pero ni isa sa kanila, walang nagtata-nong kung ano ang kanilang magiging reward pag sila ay nanalo," pahayag ni Cojuangco.

"You should see them (mga atleta) when they receive their medals," sabi pa ni Cojuangco. "It’s a sight to behold."

Para magtagumpay, kailangang magsakripisyo ang mga atleta para magsanay, at kailangan nilang iwanan ang pamilya.

Ngunit darating ang panahon na kapag sila ay tumanda na ay kailangan nilang iwanan ang pagiging atleta. At dito papasok ang tanong na ‘Saan sila pupunta.’

"Para hindi nag-iisip ang mga atleta kung saan sila pupunta pagkatapos nilang maglingkod sa bansa, gusto kong magkaroon sila ng sariling bahay."

Ayon kay Cojuangco, binuksan na niya ang pakikipag-usap sa Gawad Kalinga sa pamamagitan ni Tony Meloto para sa ‘pabahay’ sa mga atleta.

"I’m asking for at least 100 hectars for the athletes," ani Cojuangco. "At least pagkatapos nilang lumaban para sa bansa, mayroon silang sariling bahay."

Marami sa mga atleta ay umaasa lamang sa kanilang tinatanggap na allowance mula sa Philippine Sports Commission (PSC) upang tustusan ang kanilang pamilya. (CVOchoa)

vuukle comment

ATLETA

AYON

COJUANGCO

GAWAD KALINGA

KARAMIHAN

PHILIPPINE OLYM

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

TONY MELOTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with