Ang 10-man team, pamumunuan ni 2004 Tour Pilipinas champion Rhyan Tanguilig at dating Asian king Victor Espiritu, ay nasa matinding pagsasanay na ang mga siklista para sa torneong ito at gigil nang maipakita ang kanilang lakas at galing laban sa mga pinakamahuhusay sa Asya at iba pang kontinente.
"With the talent that we have, we are confident to dish out a solid campaign in the event," ani RP-PAGCOR team manager Ric Rodriguez. "Our target is to win the Asian best rider award and regain the No. 1 ranking in the region."
Dating nangunguna ang Philippines sa larangan ng Asian cycling kung saan mismong si Espiritu ang top rider sa rehiyon noong 1998.
Ang iba pang miyembro ng team ay sina Lloyd Reynante, Merculio Ramos, Bernardo Luzon, Albert Primero, Orly Villanueva, Ronald Gorantes, Sherwin Diamsay at Sherwin Carrera.
Inimbitahan kamakailan ang team para sumali sa Tour de Langkawi ni managing director Simon Donnellan kung saan inaasahan na makikipagkompetensiya ang mga Pinoy riders sa kakayahan ng Japan, Iran, Malaysia at iba pa.
Ibinigay ni PAGCOR sports director Louie Carlos ang kopya sa Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling), ang governing body ng sports sa bansa, para mai-endorso sila at makalahok sa karera.
At dahil apat lamang ang slot na ibibigay sa RP-PAGCOR, sinabi ni Rodriguez na ang pinal na listahan ng kasali sa RP team ay ilalabas sa susunod na buwan, kung saan ang koponan ay babanderahan ng dalawang strikers, tatlong climbers at isang all-around rider.