^

PSN Palaro

Isang taon na pagsasanay simula na sa Enero

-
Isang one-year training sa ibang bansa simula sa Enero.

Ito ang gustong ilatag na programa ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. para sa mga national athletes bilang paghahanda sa mas matinding kompetisyon sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar sa 2006.

"Personal idea ko na ‘yung mga really potential gold medal winners I woud like to see them train abroad for a whole year para talagang they will have the exposure, not only in competition but also to the training methods of the countries the sport is one of the top in the world," ani Cojuangco.

Kabilang sa mga bansang inaasahang muling mangunguna sa 2006 Qatar Asiad ay ang China, Korea, Japan at Kazakhstan.

Sa nakaraang edisyon ng naturang quadrennial event noong 2002 sa Busan, Korea, tatlong gintong medalya ang naibulsa ng Team Philippines sa kabila ng matinding kompetisyon.

Ang mga ito ay mula kina equestrianne Mikee Cojuangco-Jaworski, cue masters Francisco "Django" Bustamante at Antonio "Nickoy" Lining at bowlers Paeng Nepomuceno at RJ Bautista.

Isang consultative meeting na kabibilangan ng POC, Philippine Sports Commission (PSC) at mga National Sports Associations (NSA) ang nakatakda sa unang linggo ng Enero ng 2006 para talakayin ang planong gagawin sa paghahanda sa 2006 Qatar Asiad.

"Kaya nga gusto ko magkausap-usap muna kaming lahat," wika ni Cojuangco. "Kailangan talaga a thorough assessment of the situation. Gusto ko kasi it will be a conserted effort of all sports leaders." (Russell Cadayona)

ASIAN GAMES

COJUANGCO

ENERO

ISANG

MIKEE COJUANGCO-JAWORSKI

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PAENG NEPOMUCENO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

QATAR ASIAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with