"It is with extreme humility that I would like to extend my deepest apologies to (Enrico) Villanueva for the uncalled-for actions on my part during the most recent La Salle-Ateneo Dream Games," ani Yeo sa kanyang sulat kay Villanueva.
"In addition, I would also like to extend my deepest apologies to PBA commissioner Noli Eala, the organizers of the event and the entire Ateneo and LaSalle community," dagdag pa niya.
Bilang chief organizer ng nasabing event na sanctioned ng PBA na kanilang isinagawa upang makalikom ng pondo sa sports development programs ng dalawang paaralan at ng sariling programa ng PBA para sa national squad, si Carlos Bobong Velez ang siyang gumawa ng daan upang maisaayos ang paghaharap ng dalawang manlalaro at maayos na ang anumang di pagkakaunawaan na naging resulta ng kanilang pagsasakitan sa nasabing laro.
"Since I did not want the event to end on a sour note, I hosted a dinner between Yeo and Villanueva in the presence of coach Yeng Guiao, Arben Santos of Ateneo and William Ong, manager of Joseph, who were all instrumental in putting a positive ending to this project," wika naman ni Velez.
Matatandaan na sa isang friendly exhibition match sa pagitan ng perennial arch rival sa college ball, sinuntok sa mukha ni Yeo si Villanueva at nilisan nito ang laro na takip-takip ang kanyang dumu-dugong ilong.
Dito pinatawan na si Yeo ng flagrant foul at pinatalsik sa laro kung saan plano na ng Eagles na mag-walkout sa game, ngunit napayapa lamang sila ni PBA chief Noli Eala at napaki-usapan na manatali sa laro.