^

PSN Palaro

Pito pang atleta kasama sa mga major awardees

-
Pitong iba pang atleta na nagpakita ng magan-da sa 23rd Southeast Asian Games ang napa-sama sa elite roster ng major awardees na para-rangalan ng PSA (Philip-pine Sportswriters Asso-ciation) sa Annual Awards Night sa January 14 sa Manila Pavilion.

Ang pitong nabanggit ay pangungunahan nina Rowers Suhod Hakim, Ruperto Sabijon, Manuel Maya, Junray Dayumad at Ricky Sardeña, ten-nister Cecil Mamiit at wushu artist Rene Cata-lan ang tatanggap ng major awards dahil sa tulong na kanilang naibi-gay sa Team Philippines para makopo ang overall title sa SEA Games.

Nauna rito, inihayag ng 100-member ng 46-taong media organization ang Team Philippines bilang Athlete of the Year bilang pagkilala sa kanila sa pagsukbit ng kauna-unahang overall cham-pionship sa biennial, 11-nation meet.

Sina Hakim, Sabijon, Maya, Dayumad at Sar-deña ang pawang mga miyembro ng National team na nag-sweep ng apat na gintong nakataya sa men’s division ng traditional boat racing, habang si Mamiit ang nagbulsa ng singles at men’s team gold medal sa tennis competition.

Sa kabilang dako, si Catalan ay nagwagi ng gold sa men’s sanshou (48 kilograms) sa wushu bago siya nagbulsa ng malaking panalo sa nasa-bi ring event sa naka-raang 8th world cham-pionship sa Hanoi, Viet-nam may dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan.

Nauna ring hinirang ng PSA Board, na binubo ng mga editors ng mga pangunahing national broadsheets at tabloids ang 14 atleta sa pangu-nguna ng diver na si Sheila Mae Perez at Alex Pagulayan ng billiards bilang mga major awardees.

ALEX PAGULAYAN

ANNUAL AWARDS NIGHT

ATHLETE OF THE YEAR

CECIL MAMIIT

JUNRAY DAYUMAD

MANILA PAVILION

MANUEL MAYA

NAUNA

RENE CATA

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with