5-golds para sa RP
December 19, 2005 | 12:00am
Limang ginto ang isinubi ng Team Philip-pines mula sa table tennis at chess upang umangat sa fifth overall ng kasalu-kuyang 3rd ASEAN Para Games sa Rizal Memorial Sports Complex.
Sumandal ang Pinas kay Josephine Medina na naging susi sa dalawang ginto ng table tennis nang talunin nito si Tran Ngu-yen Quynh ng Vietnam upang mamayani sa open womens division at nakipagtambalan ito kay Minnie Ramos upang igupo ang Vietnam pair nina Viet Thi Kim at Quynh sa Ninoy Aquino Stadium.
Nagtulong naman sina Henry Lopez, Sander Severino at Alexis Elinon para sa kabuuang 13-puntos ng RP team para sa mens team gold ng chess na ginaganap sa Century Park Hotel.
Nanalo din ng ginto si Lopez sa mens individual sa kanyang 5-points, matapos talunin sina Eddy Suryanto at Maksum Fir-daus ng Indonesia, na may tig-4 points.
Nakopo naman ni Je-rico Openia ang ikalawang ginto nang kanyang pag-harian ang mens discuss throw class F55 (more paraplegics) sa naitalang 20.33-meter, matapos pag-harian ang mens shotput.
Sa kabuuan, may nai-subi ng 13-golds, 23-silvers at 17-bronzes na ang Phi-lippines habang sinusulat ang balitang ito ang de-fending overall champion na Thailand ay may 81-44-17 gold-silver-bronze na si-nusundan ng Malaysia (48-22-10), Vietnam (41-18-14) at Myanmar (13-23-17).(Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest