^

PSN Palaro

2 golds na si Vildosola

-
Kahit medyo napapag-iwanan ang RP Team sa kasalukuyang ASEAN Para Games, may mai-pagmamalaki ang bansa sa katauhan ng single arm amputee na si Isidro Vil-dosola na mayroon ng da-lawang gintong inihatid sa bansa sa kanyang record breaking performance.

Nakopo ng 28-gulang na si Vildosola ang ginto sa men’s 800-meter run class T46 matapos itala ang bagong marka sa palaro na 2:09.18 minuto sa athletics competition na ginaganap sa Rizal memorial Track and Field stadium.

Tinalo ni Vildosola si Jamnong Muantawil ng Thailand na nagtala ng 2:10.45 na nagkasya la-mang sa silver at 2:13.27 ni Mow Chai Chong ng Malaysia para sa bronze.

 Naunang nanalo ng ginto si Vildosola sa 1,500m run sa kanyang bilis na 4:27.94.

"Medyo nilalagnat pa ako bago ako tumakbo, pero pinilit ko talagang manalo kasi para sa bayan natin ito eh," wika ni Vildosola, naputulan ng kanang braso sa pag-sagip sa kanyang pinsan sa rice mill sa South Cotabato.

Naghatid din ng gold si Jerico Openia sa men’s shot put class F55 sa kan-yang naitalang 7.40-meter na tumalo kay Augusto Hernandez (7.14m) at Shari Haji Jumaat ng Bru-nei (6.88m).

Sumulong ang Team Philippines sa pitong golds, 13-silvers at 12-bronzes para sa ikapitong posisyon habang sinu-sulat ang balitang ito.

Patuloy naman sa pananalasa ang defen-ding overall champion na Thailand na mayroon nang 55 golds, 31 silver at 12 bronze medals kasunod ang Malaysia na may 32-17-7 gold-silver-bronze habang ang Vietnam ay mayroon na-mang 29-10-5. (CVO)

AUGUSTO HERNANDEZ

ISIDRO VIL

JAMNONG MUANTAWIL

JERICO OPENIA

MOW CHAI CHONG

PARA GAMES

SHARI HAJI JUMAAT

SOUTH COTABATO

TEAM PHILIPPINES

VILDOSOLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with