^

PSN Palaro

Talk N Text tumatag sa No. 2

-
Hindi bumitaw ang Talk N Text sa ikalawang pu-westo at lalo pa nilang pi-nahigpit ang kapit sa na-turang posisyon matapos ang 92-84 panalo kontra sa Alaska Aces na nag-parada ng kanilang ba-gong import sa muling pagdalaw ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Balanga Peo-ple’s Center kahapon sa pagpapatuloy ng San Mig Coffee-Fiesta Confe-rence.

Hiniya ng Phone Pals si Odelle Bradley sa kan-yang debut game para sa Aces, sa pagsulong ng ka-nilang record sa 8-6 re-cord upang manatiling nakabuntot sa Purefoods Chunkee na may 10-5 kar-tada kasunod ang Air-21 at Red Bull na tabla sa 8-7 record.

Sinamantala ng Talk N Text ang pagkaka-injured ni Brandon Lee Cablay sa ikalawang quarter na na-kaapekto sa Aces bunga ng kanilang ikawalong talo sa 14-laro para makatabla ang defending champion San Miguel Beer at Coca-Cola na bahagyang naka-kaangat sa nangungulelat na ngayong Sta. Lucia Realty na may 6-9 record.

Nagtulong sina import Damien Cantrell na tuma-pos ng 26-puntos at Asi Taulava na nagsumite na-man ng 24-markers at ilayo ang Talk N Text sa 89-81 papasok sa huling dalawang minuto ng la-banan na kanilang pina-ngalagaan tungo sa ka-nilang tagumpay.

Magpapatuloy ang aksiyon sa Ynares Center kung saan hangad ng Chunkee Giants ang pa-nalong magkakaloob sa kanila ng awtomatyikong semifinal slot sa pa-kikipagharap sa Air-21 sa ikalawang laro, dakong alas-6:40 ng gabi.

Mauuna rito ay ang sagupaan ng Coca-Cola at Sta. Lucia sa alas-4:10 ng hapon na kapwa nais makaiwas sa No. 8 at 9 spots na dadaan sa survivor round. (Carmela Ochoa)

vuukle comment

ALASKA ACES

ASI TAULAVA

BALANGA PEO

BRANDON LEE CABLAY

CARMELA OCHOA

CHUNKEE GIANTS

COCA-COLA

DAMIEN CANTRELL

LUCIA REALTY

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with