^

PSN Palaro

Sakripisyo ng Talk N' Text

FREETHROWS - AC Zaldivar -
Bago nagsimula ang San Mig Coffee PBA Fiesta Conference, isa ang Talk N Text sa sinasabing malakas na team at inaasahang walang abog na makakarating ng semifinal round.

Kasi nga’y very consistent ang Talk N Text sa mga nakaraang torneo kahit pa hindi nakapaglaro ang dating suspindidong si Paul Asi Taulava. Hindi nga ba’t umabot sila sa Finals ng nagdaang conference nang wala si Taulava. Napayagan lang na maglaro si Taulava sa Finals kung saan natalo naman sila sa San Miguel Beer.

Pwes, ngayong mula umpisa pa lang ay naglalaro na si Taulava, natural na mataas ang expectations ng lahat sa Phone Pals. Para bang walang dahilan upang matalo sila.

Bukod kay Taulava, nakakuha pa ng dalawang matinding rookies ang Phone Pals sa pamamagitan ng trade sa Air21 Express. Nasungkit nila sina Anthony Washington at Mark Cardona kapalit nina Yancy de Ocampo at Patrick Fran.

Sino ba naman ang hindi magugulantang sa line-up ng Phone Pals?

Well, maganda naman ang naging simula ng Phone Pals pero nadiskaril sila ng Air21 at iyon ang kagulat-gulat. Para bang pinatunayan ng Air21 na tama lang na ipamigay ang mga first round picks kapalit ng mga beterano. Sa pagkatalong iyon ay nagpakalbo ang Phone Pals at ibinunton ang kanilang galit sa Alaska Aces sa sumunod na laro.

Pero pansamantala lang pala ang pagbangon nila. Matapos ang panalo laban sa Aces ay nagtuluy-tuloy na ang pagsadsad ng Phone Pals hanggang sa bumagsak sila sa kartang 7-6. Pati nga si coach Joel Banal ay nagpakalbo na rin pero tila wa-epek ang pahiyang na ito.

Kaya naman nang minsang makausap ng mga sportswriters si team manager Frankie Lim ay nasabi sa kanya na dapat siguro’y siya ang magpahaba naman ng buhok at baka sakaling magbalik ang swerte ng Phone Pals.

"Alam mo bang mas mahirap mag-maintain ng kalbo kaysa ng mahabang buhok?" ani Frankie.

May stage daw kasi sa nagpapakalbo na pangit ang tubo ng buhok.

"Kapag nasa second week ka na ng pagpapatubo ng buhok, parang buhaghag at hindi mo masuklayan nang maayos. Pero kapag lumagpas na doon o nasa third week o fourth week ka na, madali nang ayusin," ani Frankie.

Kaya nga daw hindi na niya hinangad na magpahaba pa ng buhok mula nang ma-experience niyang magpakalbo halos 15 taon na ang nakalilipas.

"Nasanay na ako dito, e. Kaya lang, mahirap ngang i-maintain ito dahil kailangan every ten days ipinapaahit ulit. Hindi katulad ng mahaba ang buhok, kahit dalawang buwan kang hindi magpagupit, okay lang," aniya.

So, iyon ang isa sa sakripisyong ginawa ng mga Phone Pals.

Ngayon e nagsitubo na ulit nang maayos ang kanilang buhok. Hindi na sila siguro ulit magpapakalbo kahit na ano pa ang mangyari sa kanilang kampanya. Ibang klaseng sakripisyo na lang ang kanilang iisipin.

Siguro, ang pinakamagandang sakripisyong magagawa nila ay paghusayan ang ensayo, pahirapan ang sarili doon at i-focus nang husto ang konsentrasyon sa kanilang misyon.

Iyon naman ang importante, e.

ALASKA ACES

ANTHONY WASHINGTON

BUHOK

KAYA

PALS

PHONE

PHONE PALS

TALK N TEXT

TAULAVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with