^

PSN Palaro

Tigers pinaamo ng Express

-
Sumandal ang Air21 sa eksplosibong simula sa pangunguna ni Ranidel De Ocampo tungo sa kanilang 98-94 panalo kontra sa Coca-Cola sa pagpapatuloy ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup sa Cuneta Astrodome kagabi.

Humakot si De Ocampo ng 15 sa kanyang tinapos na 28-puntos upang pamunuan ang Express sa kanilang ika-walong panalo matapos ang 15-laro para saluhan ang walang larong Red Bull sa 8-7 kartada.

Katulong ni De Ocampo ay sina Ren ren Ritualo na may 15 puntos, Wynne Arboleda na may 14 upang lukuban ang 12-puntos na produksiyon lamang ni import Shawn Daniels, at ipalasap sa Tigers ang ikawalong talo matapos ang 14-laro at manganib na mapasama sa survivor round kung saan magsasagupa ang No.9 at 8 team na may twice-to-beat advantage sa una.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang defending champion San Miguel Beer (5-8) at ang Barangay Ginebra (7-6).

Samantala, magpapatuloy ang aksiyon sa Balanga, Bataan kung saan nakatakdang magsagupa ang Talk N Text at ang Alaska sa alas-4:30 ng hapong sagupaan sa Balanga People’s Center.

Hangad ng Talk N Text na palawigin ang 7-6 win-loss slate laban sa Alaska na nais namang lalong pagandahin ang 6-7 win-loss slate sa tulong ng kanilang bagong import na si Odel Bradley na pumalit kay Tee McClary. (CVOchoa)

BALANGA PEOPLE

BARANGAY GINEBRA

CUNETA ASTRODOME

DE OCAMPO

FIESTA CUP

ODEL BRADLEY

RANIDEL DE OCAMPO

RED BULL

SAN MIG COFFEE

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with