Sa nakalipas na 56-taong kasaysayan, ipag-kakaloob ng Philippine Sportswriters Association ang pinakamataas na karangalan--ang Athlete of The Year Award hindi lamang sa iisa o dalawang individuals, kundi sa buong Team Philippines na sumikwat ng overall champion sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games.
Kakatawanin ni Sheila Mae Perez, ang divings triple gold medalist, ang mga Filipino athletes na tumapyas sa korona ng Vietnam--ang 2003 winner ng biennial meet sa Awards Night na nakatakda sa January 14 sa Manila Pavilion.
Makakasama ni Perez sa pagtanggap ng nasabing parangal sina First Gentleman Mike Arroyo, ang Team RP Chef de Mission; Jose Peping Cojuangco Jr., president ng Philippine Olympic Committee; at William Butch Ramirez, chairman ng Philippine Sports Commission."For winning the championship for the very first time despite the tough odds, the sportswriters have unanimously chosen team Philippines as its Athlete of the Year," ani PSA President Jimmy Cantor ng Malaya. "The athletes and officials who made up the national team richly deserves this honor and for that the association will fete them in simple but meaningful rites in a few weeks," dagdag pa niya.
Inimbitahan din ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na maging guest of honor. Naging punong-abala sa ikatlong pagkakataon sa biennial meet mula ng maging ikalimang miyembro noong 1977, ang Philippines, na muntik nang sumilat sa Indonesia para sa overall championship sa huling pagdaraos ng games sa bansa noong 1991, ay humakot ng 113 gintong medalya, 84 pilak at 94 tanso kumpara sa kanilang naiuwi noong Hanoi at Ho Chi Minh City may dalawang taon na ang nakakaraan ng makapagsubi lamang ang Pinoy athletes ng 49-55-75.
At ang ika-20 ginto sa Day Two ng kompetisyon ay tinampukan ng matikas na paglangoy ni Perez sa springboard events sa Trace Aquatic Center sa Los Baños, Laguna ang nagbigay sa host country ng maagang bentahe na hindi na nagawa pang habulin ng Vietnam at Thailand.
At sa buong ikawalong araw ng kompetisyon, mas lalong tumingkad ang kampanya ng Team RP sa lahat ng events na kinabibilangan nina Mi-guel Molina sa swim-ming, Benjie Tolentino sa rowing, Arvin Ting at Willy Wang sa wushu, Cecil Mamiit sa tennis, Ronnie Alcano sa billiards, at SEA Games record-breakers Henry Dagmil at Arniel Ferrera sa athletics. Nag-ambag ang Wushu ng 11 gold medals, na kara-mihan ay sa discipline, siyam sa athketics gayun-din sa aquatics (diving and swimming); billiards and snooker, at boxing, tigwalo naman sa taek-wondo, sa traditional boat race tig-6; fencing at wrestling tig-lima; judo at bowling tig-apat; archery, arnis, karatedo, muay, rowing, shooting at tennis, tigatlo, bodybuilding, cycling, dancesport, golf at softball tig-dalawa at tig-isa sa baseball, eques-trian, lawnbowls, pencak silat at sailing.