Bagamat isa lamang ang naipasok ni Reed Juntilla sa kanyang apat na mahahalagang free-throws, siya pa rin ang nagningning para sa Jewels nang kumana ito ng 11 sa kanyang tinapos na 19-puntos sa ikaapat na quarter upang panatili-hing nakadistansiya ang Port Masters.
Matapos makalapit ang Harbour Centre sa 58-66 papasok sa huling dalawang minuto ng labanan, pumaltos naman ang kanilang sunud-sunod na pagtatangka sa triple area sa kanilang pagtatangkang agawin ang kalamangan na nauwi lamang sa wala.
Bukod sa sinira ng Montaña ang coaching debut ni Jorge Gallent at ang pagbabalik ni LA Te-norio sa Port Masters, naipuwersa rin ng Jewels ang three-way-tie sa 4-3 record kasama ang Gran-ny Goose at Hapee-PCU.
Nalasap naman ng Harbour Centre ang kanilang ikalimang sunod na kabiguan matapos manalo sa kanilang unang dalawang laro kabilang ang 68-60 win sa Mon-taña Pawnshop noong Nov. 3.
Katulong ni Juntilla ay si Al Magpayo na tumapos naman ng 11-puntos kasunoid si Alex Compton na may 10-markers.