MAINIT ANG SAN MIGUEL
December 12, 2005 | 12:00am
Patuloy sa pagbangon ang defending champion San Miguel Beer nang kanilang hatakin ang winning streak sa apat na sunod na panalo nang kanilang igupo ang league-leader na Pure-foods Chunkee upang lalong lumakas ang kani-lang tsansa na makakuha ng puwesto sa quarter-finals ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup na nag-patuloy sa Ynares Center sa Antipolo kagabi.
Sa labanan ng kulelat at ng nagungunang kopo-nan, nagbida si Danny Seigle sa pagkamada ng 23-puntos upang pamu-nuan ang Beermen na lalong umangat sa 5-8 win-loss slate gayunpa-man ay nananatili pa rin sila sa ilalim ng team standings.
Katulong ni Seigle na nag-aaverage lamang ng 7.3 puntos sa huling apat na laro ng Beer-men, ay si import Kwan Johnson na tumapos ng 16-puntos kasunod sina Dorian Peña at Dondon Hontiveros na may 12 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod upang ipalasap sa Purefoods ang ikalawang sunod na talo at ikaanim sa kabuuang 14-laro ngunit nananatili pa rin sa liderato ang Chunkee Giants.
Sa pagtutulungan nina Seigle at Johnson, naiposte ng San Miguel ang pinakamalaking kalamangan na 14-pun-tos, 70-56 patungo sa huling 3:35 oras ng la-banan.
Habang sinusulat ang balitang ito ay kasa-lukuyan pang naglala-ban ang Talk N Text (7-5) at ang Coca-Cola (5-7) bilang main game ka-gabi. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended