^

PSN Palaro

Para sa bansa, Pagulayan lalaro sa Doha Asian Games

-
Alang-alang sa Pilipinas, muling tiniyak kahapon ni 2004 World 9-Ball champion Alex Pagulayan ang kanyang ser-bisyo para sa kampanya ng bansa sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar sa Disyembre 2006.

Ito ay sa kabila na rin ng ina-asahang mga malalaking international tournaments sa iba’t ibang bansa na nakaha-nay para sa 2006.

 "Maraming tournament next year para sa akin eh. Para sa aming mga professional billiards player, katulad nila Efren (Reyes), Django (Busta-mante), marami talaga next year," wika ng 27-anyos na Fil-Canadian. "Pero kung may tournament dito sa Pilipinas, kung ipapatawag nila ako, pupunta ako dito para mag-compete."

Hindi kagaya nina Reyes at Bustamante, mas pinili ni Pagulayan ang kumatawan sa bansa sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games kung saan tinanghal na overall champion ang Team Philip-pines sa napitas na 113 gintong medalya.

Nagdahilan ng panlalabo ng kanyang mga mata ang 45-anyos na si Reyes, ang 1999 World 9-Ball titlist, habang isang elbow injury naman ang ginawang rason ng 38-anyos na si Bustamante para hindi sumabak sa naturang biennial meet.

Sa kanilang pag-atras sa 2005 SEA Games, sumabak naman sina Reyes at Busta-mante sa katatapos na 2005 King of the Hill tournament sa Orlando, Florida kung saan naghari si Reyes para sa prem-yong $200,000 (P10.8 milyon).

"Naiintindihan ko naman sila kung bakit mas pinili nilang mag-compete doon (King of the Hill). May mga pamilya sila, kaya kailangan nilang sumali doon," ani Pagulayan.

Sa nasargong mga gintong medalya sa 8-ball singles, 9-ball doubles katuwang si Dennis Orcullo, at sa snooker team event kasama sina Leonardo Andam, Joven Alba at Felipe Tauro, Jr., inaasahang makakatanggap si Pagulayan ng kabuuang P225,000 bilang insentibo. (Russell Cadayona)

ALEX PAGULAYAN

ASIAN GAMES

BUSTA

BUSTAMANTE

DENNIS ORCULLO

FELIPE TAURO

JOVEN ALBA

KING OF THE HILL

LEONARDO ANDAM

PAGULAYAN

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with