Nawalan ng Magic!
December 10, 2005 | 12:00am
Isang eye-opener para sa Magnolia Dairy Ice Cream at isang morale booster naman para sa Far Eastern Insurance ang naging resulta ng kanilang paghaharap sa Philippine Basketball League (PBL) Heroes Cup noong Huwebes.
Abay llamadong-llamado ang Magnolia sa laban na iyon dahil sa hindi pa nakakatikim ng pagkatalo ang Wizards sa una nilang limang laro. Sa kabilang dakoy nasa dulo naman ng standings ang Insurers na isang baguhang team sa liga.
Pero pinatunayan ng Far Eastern Insurance na bagamat higante ang kanilang kaharap ay puwede itong masilat. Para bang inulit ang kasaysayan sa Bibliya nina David at Goliath.
Nanaig ang Far Eastern Insurance laban sa Magnolia, 65-60 sa likod ng kabayanihan ni Boyet Guerrero na gumawa ng dalawang three-point shots sa endgame.
Kaya naman tuwang-tuwa si coach Segundo "Bong" dela Cruz III sa panalo ng kanyang mga bata. Biruin mong halos lahat ng tao ay nagsabing tiyak na pupulutanin lang sila ng Magnolia dahil di hamak na mas malakas ang line-up ni coach Koy Banal. Bukod sa malakas ay maayos na ang teamwork ng Magnolia.
Kasi ngay binubuo ang Magnolia ng nucleus ng Far Eastern University Tamaraws na nagkampeon sa nakaraang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) mens basketball tournament kung saan ginapi nila ang La Salle Green Archers.
Bukod sa two-time UAAP Most Valuable Player na si Arwind Santos ay nasa poder din ng Magnolia ang Fil-American na si Kelly Williams at ang ex-pro na si Kim Valenzuela. At kung tangkad din lang ang pag-uusapan ay lamang din ang Magnolia sa Far Eastern Insurance.
Hindi nga bat ilang linggo bago nagsimula ang torneo ay saka pa lamang nagpatawag ng tryouts si dela Cruz. Kinuha muna niya ang ilang manlalaro ng Cavite sa NBC at dinagdagan ng mga players na nasala niya sa tryouts. So, hindi pa solid ang team-work ng Insurers.
Katunayan, natalo nga ang Far Eastern Insurance sa kanilang unang apat na laro. Naitala nila ang kauna-unahang panalo nila kontra sa Granny Goose Snackmasters, 71-66 sa San Sebastian Recolletos-Cavite Gym noong Nobyembre 20 kung saan nagbida sina Michael Bravo, Niño Marquez at Jay Sierra.
Parang homecourt kasi nila ang San Sebastian Recolletos Gym sa Cavite kung kayat sinasabing iyon ang naging dahilan ng kanilang tagumpay doon. Pero sa JCSGO Gym sa Cubao ginanap ang laban kontra Magnolia so walang homecourt advantage ang Far Eastern Insurance, di ba?
Umaasa si coach dela Cruz na magtutuloy-tuloy na ang suwerte ng kanyang koponan.
Pero para naman kay Banal at sa mga bata niya, hindi naman "big deal" ang pagkatalo nila sa Far Eastern Insurance. Kumbagay maganda pa nga ang pangyayaring iyon dahil natalo sila sa yugtong ito at hindi sa susunod na round. Makakagawa sila ng karampatang adjustments at mauunawaan nilang ang lahat ng teams sa PBL Heroes Cup ay delikadong kalaban. Lahat ng kanilang makakaharap ay paghahandaan silang mabuti.
Walang puwang ang overconfidence kahit na nangunguna ang Magnolia.
BELATED birthday greetings sa aking kumpareng si Dick Odulio na nagdiwang noong Huwebes, December 8.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest