Realtors lusot sa Red Bull sa 2 OT
December 10, 2005 | 12:00am
Pinilit ng Sta. Lucia Realty na makabangon sa nakaraang kahihiyan nang kanilang hatakin ang 105-104 panalo kontra sa Red Bull sa double overtime game kagabi sa San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup sa Cuneta Astrodome.
Sumandal ang Realtors kina import Damian Owens at Chester Tolomia na umiskor ng tig-apat na mahahalagang baskets tungo sa ikaanim na panalo ng Realtors matapos ang 14-laro upang makabangon sa kanilang dalawang sunod na kabiguan, ang huli ay kontra sa Alaska na walang import ngunit nanalo sa 82-87.
Tumapos si Owens ng 25 puntos upang pamunuan ang Realtors kasunod si Paolo Mendoza na may 18 habang si Tolomia ay nagsumite ng 11-puntos upang ipalasap sa Barakos ang ikapitong talo sa 14-laro.
Samantala, dadalaw naman ang PBA sa Ormoc City kung saan magsasagupa ang crowd-favorite na Barangay Ginebra at Air21 sa Ormoc Superdome.
Hangad ng Gin Kings na makakalas sa pakikisalo sa 7-5 record sa Talk N Text upang makalapit sa nangungunang Purefoods na may 9-4 kartada habang layunin naman ng Air21 na ibangon ang 6-6 record. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended