^

PSN Palaro

Awtomatikong quarterfinals puntirya ng Purefoods

-
Makalapit sa awtomatikong quarterfinals berth ang pakay ng league leader na Purefoods Chunkee sa pagbabalik aksiyon ng Philippine Basketball Association dito sa Maynila matapos magbigay daan sa katatapos na 23rd Southeast Asian Games.

Makakasagupa ng Chunkee Giants ang Talk N Text sa tampok na laro sa alas-7:25 ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Bago mag-break ang PBA, namamayagpag ang Purefoods sa kanilang taglay na 9-3 win-loss slate habang ang dating leader na Phone Pals ay may 6-5 win-loss slate na nais makabawi sa tatlong sunod na kabiguan.

Magpaparada naman ang Sta. Lucia Realty ng bagong import sa kanilang pakikipagharap sa Alaska na may 5-7 kartada.

Muling sasandal ang Purefoods sa kanilang maaasahang import na si Marquin Chandler upang masundan ang kanilang 78-69 panalo laban sa Alaska, 16-araw na ang nakakaraan.

Umaasa si coach Ryan Gregorio na hindi kinalawang ang kanyang mga bata matapos matengga ng mahigit dalawang linggo.

Isasalang naman ng Realtors ang balik-PBA-import na si Damian Owens sa kanilang pakikipagharap sa Alaska sa unang sultada sa alas-4:40 ng hapon.

Umaasa ang Realtors na magdedeliver si Owens bilang kapalit ni Omar Weaver para sa kanilang hangaring maka-ahon sa ilalim ng team standings.

Magkasalo ang Alaska at Sta. Lucia sa 5-7 record na sinusundan lamang ng kulelat na defending champion San Miguel Beer na bahagyang gumanda ang katayuan matapos ang 66-62 panalo sa Aces sa unang laro ng PBA matapos ang break noong Sabado sa Iloilo City.

Aasa naman ang Phone Pals kay import Damien Cantrell katulong sina Paul Asi Taulava at Jimmy Alapag upang maduplika ang kanilang 96-82 panalo sa unang pagkikita noong Nov. 30.

Kay import Tee McClary naman sasandal ang Alaska na nais ding maulit ang 80-75 panalo sa Realtors nang unang silang magkita noong October 5. (CVOchoa)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

CHUNKEE GIANTS

DAMIAN OWENS

DAMIEN CANTRELL

ILOILO CITY

JIMMY ALAPAG

KANILANG

LUCIA REALTY

MARQUIN CHANDLER

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with