^

PSN Palaro

Pinoy pugs sumuntok ng maraming gold pero...

-
BACOLOD CITY--Sa kabila ng pagsungkit ng Philip-pines ng pinakamaraming bilang ng gintong medalya sa boxing, nananatili pa rin ang supremidad ng Thailand sa pinaka-sentro ng labanan --ang men’s class -- ng lima sa kanilang fighters ang umukit ng ginto noong Sabado ng gabi na naging daan upang ang mga manonood ay magbato ng mga barya, plastic bottles, nilagang mais at iba pang mga bagay sa ring sa pagtatapos ng boxing event sa 23rd Southeast Asian Games sa St. La Salle Gymnasium dito.

At isa sa pangunahing insidente ay ang paraan ng mga judges sa pag-score sa first round sa laban ni Reynaldo Galido sa middleweight finals match kontra kay Suriya Prasathinpimai. At sa pagta-tapos ng opening round, hawak na ng Thai ang 11-4 bentahe at ng ang dalawang fighters ay kapwa nagpunta sa kani-kanilang corners, nag-simula ng mag-init ang ulo ng mga manonood na nagsi-mulang maghagis ng tig-P10 na barya na tumama sa ring post, dito na nagsimula ang pag-ulan ng mas marami pang coins at iba pang debris.

At huli na ng malaman mula sa Amateur Boxing Association of the Philippines chief na si Manny Lopez na si Galido, ipinanganak sa Negros Occidental ay nagdesisyon na umatras na lamang sa laban dahil sa hindi naman binibigyan ng puntos ang mga suntok na kanyang pinatatama sa kalaban.

"Hindi naman kasi ini-iskoran yung mga itinama niyang suntok kaya nag-decide na lang siyang mag-quit," ani Lopez.

Ayon naman kay Bacolod Rep. Monico Puentevella, na hindi niya masisisi ang naging reaksiyon ng mga manonood dahil batid ng mga Pinoy ang tamang pagtanggap ng kabi-guan na walang halong kada-yaan.

Nagwagi ang Philippines ng apat mula sa limang gintong pinaglabanan sa women’s division at isa lamang ang Thai-land, pero apat lamang ang nakapagbulsa ng ginto sa bansa ng mananalasa ang malalaking fighters ng Thailand. (JM MARQUEZ)

vuukle comment

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BACOLOD REP

MANNY LOPEZ

MONICO PUENTEVELLA

NEGROS OCCIDENTAL

REYNALDO GALIDO

SOUTHEAST ASIAN GAMES

ST. LA SALLE GYMNASIUM

SURIYA PRASATHINPIMAI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with