Taino-Zalameda nakahirit ng gold
December 5, 2005 | 12:00am
Save the best for last"...ito ang mga katagang binitiwan ng Sports Host na si Chino Trini-dad para sa dalawang Pinoy na nakapag-ambag ng gintong medalya makaraang isubi ang gold sa Mixed Doubles 23rd SEA Games Lawn Tennis event sa isang dikdikang laba-nan na nasaksihan kahapon ng mga manonood sa Rizal Memorial Tennis Center.
Halos isang oras na nasus-pinde ang engkwentro sa pagi-tan ng Thailand at Philippines dahil sa pag-ulan, subalit hindi ito naging dahilan para lisanin ng mga manonood ang kani-kanilang puwesto sa court. muling binuhay ng Thai mascot ang crowd nang magsayaw siya ng Pinoy Ako. Ganun din ang ginawa ng gold medalist na si Riza Zalameda para aliwin ang mga tao.
Sa pagbabalik ng laro, hindi na nagawang ibangon nina Cecil Mamiit at Eric Taino ang laban. Matabang ang naging galaw nina Mamiit at Taino sa mens doubles division kung kayat tuluyan na silang nau-ngusan ng Thailand sa iskor na 6-4, 6-2.
Hindi na sila binigyan pa ng pagkakataon ng Ratiwatana brothers para makaiskor.
Buhat sa pagkabigo ng Pilipinas sa unang laro para sa men doubles, hindi na hinayaan pa ni Taino na silver lamang ang iuuwi. Sa kabila ng pagod at init ng araw, ay buong giting silang pumalo para sa tagumpay ni Riza Zalameda para sa Mixed Doubles divi-sion.
Sa unang set ng laban ay nagpakitang gilas ang Indo-nesian tandem na sina Suwandi Suwandi at Wynne Prakusya, nang maipanalo nila ang laro sa iskor na 2-6. Subalit hindi tumigil ang Fil-Am duo sa pagpapakita ng magagandang diskarte, dahilan para tuluyang mapayukod ang kalaban sa ikalawang set na may 6-3 karta, pabor sa Pinas.
Mahigpit na labanan ang naganap sa huling set ng laban sa pagitan ng Indo-nesia at Philippines. subalit hindi sapat ang paghabol nina Prakusya at Su-wandi para magapi ang atletang Pinoy.
Nagwakas ang laban sa pamama-gitan ng palo ni Taino na hindi nakuha ni Prakusya na siyang nagbigay daan para tuluyan ng angkinin ng Pilipinas ang gin-tong medalya. (Sarie Francisco)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended